Chapter 2

2.5K 64 1
                                    

Chapter 2

[Aya's POV]

Hindi ako masyadong nagmamadali sa pagpunta ng paaralan ngayon. Maaga pa naman. Maaga kasi akong nagising. Ginawa ko talaga 'yung inutos ni mama sa'kin kahapon kaya heto, hindi na ako mala-late.

Habang nagbibiseklita ako ay pinipikit ko rin ang mga mata ko. Nilalanghap ko ang simoy ng hangin. Ang ganda ng araw ngayon. Napakaliwanag at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw.

Naramdaman ko na parang may...

Idinilat ko ang mga mata ko at laking-gulat ko nalang nang may nakita akong kotse na papunta sa direksiyon ko.

"Waaaaaaah!" My heart beats so fast kasi kinakabahan ako. Inilagan ko ang kotse kaya naman natumba ako. As I tried to move my hand, I felt something pain on it. Napa-"Aray!" ako. Tinignan ko ang parte ng kamay ko kung saan ang masakit. Uwaaah! May sugat ako. Huhuhu! May galos na tuloy ako sa kamay.

Huminto ang kotse sa harapan ko mismo. Humanda ka kung sino ka man. Agad akong tumayo at kinatok ang bintana ng kotse niya nang napakalakas. "Hoy! Bulag ka ba ha? Alam mo bang muntik mo na akong mapatay?" Kunot na kunot talaga ang noo ko ngayon.

Hindi ko siya nakikita pero alam kong nakikita niya akong nagwawala rito sa labas. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya lumalabas. Ang kapal niya kung gan'on. Mas lalo kong nilakasan ang pagkatok ng kotse niya. Wala akong pakialam kung mabasag man ito. Mayamaya ay bumukas na ang bintana ng kotse niya.

Pamilyar ang mukha niya. "What?" Oh my God! Ang gwapo niya naman. Even though he's not looking at me. Ang cold niyang magsalita but I found it cool. Pero hindi ko pa rin makakalimutan na muntik niya na akong mapatay.

Wait, siya 'yung lalaking nakabangga ko kahapon ha. Tama. "Hoy ikaw! Marunong ka ba talagang magmaneho ha? Alam mo bang muntik ka ng makapatay ng tao ngayon?" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa kotse niya.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. "It's not my fault." Ano? Gago to ha. So ibig sabihin, kasalanan ko? Gusto ko siyang suntukin sa mukha kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Hindi man lang ba siya hihingi ng sorry sa'kin? Kung makaasta siya, parang ako pa 'yung may kasalanan sa kanya. This man. He's getting into my nerves. Pinaandar niya na ulit ang sasakyan niya at...

Pinatakbo ito.

"Hoy! Hindi pa ako tapos sayo!"

Arrgh! Sinubukan ko siyang Habulin pero ang bilis niyang magpatakbo. Nakagat ko nalang ang labi ko.

"Kainis!"

Sana naging si superman ako ngayon para papatayin ko ang gago na 'yun gamit ang web ko. Arrgh! Kainis talaga.

Dumaan muna ako sa isang tindahan at bumili ng band aid. Nilagay ko kaagad ito sa sugat ko. Masakit pa rin ang kamay ko pero hindi na ganoon kasakit kanina.

Bigla naman akong napaisip...

Waaaaah! May klase pa pala ako. Lord, huwag naman sana please. Hindi pa sana ako late.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon