Chapter 11

1.4K 34 1
                                    

Chapter 11

[Aya’s POV]

Nandito kami ngayon sa classroom hinihintay magsalita si ma’am, kanina pa kasi siya tahimik na tinitingnan kami.

By the way, totoo ba na absent ako kahapon? Tapos sinabi sa akin ni Harry Potter na be my girlfriend? Haha! Nakakatuwa, bakit niya naman ‘yun sasabihin e isa lang naman akong simpleng babae. Imposible naman na gusto niya talaga akong maging girlfriend, hindi kapani-paniwala.

“Okay! So walang absent ngayon?” Sabi ni ma’am kaya nabalik ako sa katinuan.

“Yes, ma’am!” Sagot ng mga kaklase ko. So meaning, may absent nga kahapon. Hay naku at isa ako dun. Hindi ‘yun pala panaginip. Kainis, first time ko ‘atang mag-absent ha.

“Since hindi natin nagawa ang activity kahapon ay ngayon nalang natin gagawin.” Taas-kilay akong tiningnan ni ma’am, as in sa akin talaga. “Bakit ba kasi absent ang mga leader kahapon?” Oo nga pala leader nga pala ako at ganon din si Harry Potter. Kasalanan niya kung bakit hindi ako nakapasok kahapon. Pero teka, hindi ba talaga nila pwedeng gawin ‘yung activity na wala ang leader? Tss! Nagpapakilala lang silang walang alam. “Wear your PE uniform and proceed to the gym immediately.”

Pumunta na kaagad kami sa aming locker at kinuha ‘yung PE uniform namin. Kasama ko sina Jenny, Angel, Vanessa, Kyla, at Jamaica. “Hindi ka ba nila sinaktan kahapon?” Nag-aalalang tanong ni Jenny. Mukha ba akong may pasa sa mukha para magtanong siya na sinaktan ba ako ng mga lalaking iyon?

“Yeah! Hindi nila ako sinaktan.” Sabi ko at sinara na ‘yung locker. Kung sinaktan man ako ng mga kaibigan ng Harry Potter na ‘yun ay hindi na talaga sila sisikatan ng araw.

So ano lang ang ginawa sayo?” Poker face akong tumingin kay Kyla. Sa pagkakaalam ko ay kailangan na naming magmadali at baka pagalitan pa kami ni ma’am kaya hindi na ako mag-e-explain pa sa kanila.


“Basta!”

Pumunta na kami sa CR para magbihis. Alangan naman na sa hallway kami magbibihis. Haha! Subukan mo nga magbihis sa hallway papalakpakan talaga kita.

Pagpasok namin ay nandun pala sina Trixia, with her bitches-frog-friends. Nakabihis na sila at ngayon ay naglalagay sila ng lipstick sa labi. “I thought you’ll die yesterday.” Sabi ni Trixia na tinitingnan lang ako sa salaming nasa harapan niya.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya. “Sorry ha? Hindi ko pa kasi oras.” Aga-aga bwebwesitin ako ng gagang ‘to.

Naibaba niya ang kanyang lipstick at tumingin na siya sa’kin ngayon. “Bakit ba ang tapang mo? Hindi ka ba natatakot na baka pwede kitang paalisin sa school na ‘to?”

“Bakit naman ako matatakot?”

Inirapan niya ako at ganon din ang mga kasama niya. “Ano ba ang pinagmamalaki mo, Aya Lucelle Manlimbana? Sa pagkakaalam ko ay isa ka lang babaeng galing sa mahihirap na pamilya. Nakapasok ka lang dito di ba dahil sa scholarship na binigay ni Tito Hendrick sa school niyo. Tsk!” Tinawanan nila akong lahat except sa mga kaibigan ko na tahimik lang na nakatayo sa gilid ko. “Let’s go girls, let’s not waste our time for some pity bitch.” Halos duruan na ako ni Trixia sa paglapit niya sa’king mukha habang pinagdidiinan ang salitang pity bitch.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon