Chapter 25

1.1K 27 2
                                    

Chapter 25

[Aya’s POV]

“IKAW?”

Napakagat ako ng labi dahil sa biglaang pagsigaw ko. Bakit ba ginawa ko ‘yun? Kaasar naman.

Naibaba ko ang kamay kong nakaturo sa bago naming classmate na siya rin ‘yung nakabangga ko sa mall.

“Is there any problem, Ms. Aya?” Tanong ni ma’am.

Bago ako sumagot ay tumingin muna ako doon sa transferee. Kenneth yata ang pangalan. Nakangiti siya sa’kin. “Wala po ma’am.” I answered saka yumuko.

Nakakahiya ang araw na ito.

*

MAPEH time, our second period.

Medyo hindi ako komportable sa kinauupuan ko ngayon. Nasa likuran ko kasi nakaupo si Kenneth.

Ang mga kaklase naman naming babae ay tingin ng tingin sa kanya ta’s kapag nahahagip ako sa paningin nila ay iirapan ako.

Oh, come on! Did I do something wrong? Ang sarap tusukin ng ballpen ang mga mata nila e.

“Good morning, class.”

“Morning, Sir.”

Pumasok na ang bakla naming teacher. “Today, we’ll having a sitting arrangement.”

Napakibit-balikat kaming lahat.

“Wag na, Sir.”

“Komportable na kami dito sa upuan namin, Sir.”

“Tse! Wala akong paki! Sumunod nalang kayo kung ayaw niyong bumagsak lahat sa subject na ‘to!”

Wala na kaming nagawa pa.

Medyo may kataasan ang baklang ‘yan dito sa school kaya walang pumapalag sa kanya kung ano man ang nanaisin niya.

“Ang gusto kong proper seat ay girl, boy, girl boy.” He said with hand gestures. “Ms. Trixia, please seat over there.” Tinuro niya ang pinakahuling seat pero parang hindi natinag si Trixia.


“Are you kidding me?”

“I’m not kidding so go, go, go!”

Masama ang tingin ni Trixia at padabog na pumunta sa likuran. “Ang magiging katabi mo ay si... You! What’s your name?”

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon