Chapter 41

1K 27 1
                                    

Sorry guys kasi ngayon lang ulit ako naka pag-UD. Ilang araw na ba ang nagdaan? Basta hindi ko mabilang. Hehe.

Busy kasi ako dahil december ngayon di ba?

Busy ako sa pagdedecorate ng classroom namin at iniisip ko pa ang Christmas Party namin and I heard the news yesterday na hindi na matutuloy ang Party so I'm free now.

Hope you enjoy this chapter.

----------

Chapter 41

[Aya's POV]



Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ang klase namin. Ang daming assignment namin but for me, it's just a piece of cake. Ang hangin ko no? Well, totoo naman kasi. "I'll go ahead, girls." Walang ganang paalam ko sa mga kaibigan ko.


"Agad?" Sabi ni Jenny na nagkibit-balikat.


"Kanina ko pa napapansin na hindi ka ngumingiti, Aya. Hindi pa kayo nagpapansinan ni Harry. Nag-away ba kayo?" Tanong ni Jamaica. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay kinuha nalang ang bag ko.


"Confirm. Nag-away nga sila. Silence means yes." Tumingin ako kay Vanessa nang sabihin niya iyon.

"You're right, but I'm okay."

"Bakit naman kayo nag-away?" Sabay na tanong ni Angel at Kyla. Tuwing may nagtatanong kung bakit kami nag-away ay bumabalik 'yung sakit na nararamdaman ko. Naaalala ko 'yung nangyari.

"Okay. Huwag mo nalang sagutin." Sabi ni Jenny tapos lumapit siya kay Angel at may binulong. Kumunot ang noo ko. Anong pinag-uusapan nila? Mukhang nacurious din sina Jamaica, Kyla, at Vanessa kaya tinanong nila kong anong pinag-uusapan nila at nalaglag ang panga ko na ako lang 'yung hindi nila sinali sa pinag-uusapan.

"Oo nga pala. May gagawin pa tayo, mauna na kami, Aya. Bye." Sabay silang lahat na umalis. Ano 'yun? Ako dapat 'yung unang aalis.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway para umuwi, syempre. Ang mga 'yun talaga. Humanda talaga sila bukas. Iniwan ba naman ako.



Habang naglalakad ako ay nakita ko si Harry. Nang tumingin siya sa'kin ay umiwas ako ng tingin.


Bumalik ako sa dinadaanan ko. Tumalikod ako sa kanya at lumakad palayo. Kanina ko pa siya iniiwasan at alam kong nahahalata niya na 'yun. Ang sakit lang kasi ng sinabi niya. Tagos hanggang buto. Para akong binaril sa puso.



Ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ako dadaan? "Aya, akala ko umuwi ka na." Nakasalubong ko si Angel. E siya, anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umuwi na rin siya.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon