Chapter 6

1.6K 42 1
                                    

Chapter 6

[Aya’s POV]

Mabilis lang na natapos ‘yung klase namin kaya minadali ko ng ligpitin ‘yung mga gamit para madalaw ko si papa ng maaga sa hospital. Aya, bakit ka nagmamadali?Tanong sa’kin ni Jenny habang nag-aayos din sa kanyang mga gamit. Napansin niya siguro ‘yung kilos ko na parang si Flash.

“Dadalawin ko pa kasi si papa sa hospital.Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Oh my God! Bakit? Ano bang nangyari sa papa mo?" Tanong niya sa'kin na nag-aalala ang mukha.

Actually, na-heart attack siya two months ago na at hanggang ngayon, hindi pa siya gumigising.Naiiyak kong sabi. Tuwing naiisip ko ang kalagayan ni papa ay nawawala ang mga kalokohan ko at nagiging seryoso ito. Hinawakan ni Jenny ‘yung balikat ko dahilan upang tumigil ako sa pag-iyak.

Gusto mo, samahan kita dun? Sabi niya at napangiti naman ako. Naalala ko tuloy si Megan na pinuntahan ako sa hospital para e-inform ako sa lahat ng bagay na hindi ko alam at sa mga oras na ‘yun ay hindi ako nag-iisa sa hospital. Namimiss ko tuloy siya.

Okay lang ba sayo na samahan ako dun?

“Oo naman no, wala rin naman akong gagawin sa bahay.” Nakangiti niyang sagot kaya lumakad na kami.

Sa likuran kami dumaan ni Jenny para makapagshortcut. May daan kasi dito palabas, kung sa harap kami dadaan ay lalakad pa kami ng 400 meters bago makalabas. Nakakapagod pa naman maglakad. Mga mayayaman lang ang puwedeng dumaan dun dahil may kotse silang hatid-sundo.

Habang naglalakad kami ay may narinig kaming sumigaw na isang lalaki sa isang lumang classroom na dinaanan namin. Nacurious kami kaya naisipan naming sumilip dun.

Walang masyadong pumupunta sa area na ito kasi tambakan lang ito ng mga sirang gamit ng school.

Nang makasilip na kami ay nagulat ako sa aking nakita dahil may isang lalaki na nambubogbog. Kumunot ‘yung noo ko. Anong ginagawa ng gagong ‘to?

Ramdam ko ang takot ng lalaki na binugbog niya at nanginginig ito sa takot kaya hindi ko maiwasang hindi maawa. Hindi ko nga namalayan na naikuyom ko na pala ‘yung kamay ko.

Pumasok ako sa classroom na 'yun na walang takot. “Aya, saan ka... Hindi natapos ang sasabihin ni Jenny dahil nakapasok na ako.

“Hoy! Ano ‘yang ginagawa mo?Sigaw kong tanong sa gagong ‘to.

Hindi ko nakikita ang mukha niya kasi nakacap ito ng kulay black at isa pa, nakatalikod siya sa’kin.

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumingon sa’kin at nagulat ako nang makita ko na ‘yung mukha niya.

Si Harry pala ang lakaking ‘to. Nakaharap na siya sa’kin ngayon kaya nanlamig tuloy ako sa kinatatayuan ko. “What are you fucking doing here? Napaatras ako ng konti dahil sa pagsigaw niya. Nakakatakot ang mga titig niya ngayon, parang anytime ay makakapatay siya ng tao.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon