Chapter 49

964 16 0
                                    

Chapter 49

[Aya’s POV]

Ring ng ring ang cellphone ko pero hindi ko naman sinasagot.

Ang ng kamay ko. May tela na nakatali sa leeg ko. Ganon kalala ang suntok ng Harry na ‘yun.


Another day na naman na absent ako.


Ang dami ng nangyari sa’kin. Siguro kailangan ko ng makipag-break kay Harry. Tss! ‘Ano ba kita?yan lang naman ang sinabi niya kaya hindi siya masasaktan. Baka naman ginamit niya lang talaga ako para hindi siya makasal kay Trixia.

Waaaaaah! Tinanggal ko na ang tela sa leeg ko at dahan-dahang ibinababa ang kamay ko.


Masakit talaga siya kapag ginalaw. Parang stiff neck lang.

“Anak! Hindi ka na naman pumasok?” Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. Si papa talaga. Palaging nanggugulat.


“Kasi po pa...” Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasuntok ang kamay ko. “Masakit po ang kamay ko.” Ayan nalang ang sabi ko. “Naipit kasi kagabi.”



“Ganon ba? Hindi naman siguro ‘yan malala di ba?” Naku pa! Kung alam mo lang na halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa sakit.

Tumango ako kasi hindi ko kayang magsalita ng oo. "Kung ganon papasok ka sa tanghali.” Papasok? “Bababa ang mga grades mo kapag palagi kang absent.” At lumabas na si papa. Anong gagawin ko?

Biglang bumukas ang cp ko. May nagtext. Makatingin nga.

O_O

O_o

o_O

93 messages?


82 miss called?


Ganon karami?


May dalawang Kenneth at puro Harry na lahat.


Aya I’m sorry!


Hindi ko ‘yun sinasadya!

Mag-usap tayo please!


Pupunta ako diyan!


Nandito ako sa labas ng bahay niyo!


Lumabas ka please!


Sagutin mo naman ang mga tawag ko!

Aya...

Wait! Ano? Nandito siya? Pero 7:00 a.m niya pa ‘to tinext ha. At 9:30 na ngayon.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon