Chapter 40

1K 21 1
                                    

Chapter 40

[Aya's POV]

Recess time na namin. "Aya, hali ka na." Narinig kong sabi sa'kin ni Vanessa kaya tumayo na 'ko.

Wala akong ganang kumain kaya lang magtatanong 'yung mga kaibigan ko kung hindi ako sasama sa kanila kaya wala akong ibang choice.

Sabay kaming anim na pumasok sa cafeteria. "Aya, alam mo ba na 'yung..."


"Tungkol sa pera lang ang habol?" Hindi ko na pinatapos si Kyla sa sasabihin niya because I already know what she wanted to say. Tumango silang lahat sa sinabi ko. "It's up to you girls if you will believe it or not."

"Of course we don't." Sabay-sabay nilang sagot.

"Aya, alam na alam ko ang mga nangyayari. You tell me the strory." Sabi ni Angel.

"Yeah. Thank you guys kung hindi kayo naniniwala. Hindi tulad ng iba diyan."

"Sinong iba?" Tanong ni Jamaica.

"Basta." Sagot ko at nag-order na kami ng pagkain. Coke lang ang binili ko dahil wala talaga akong ganang kumain.

Umupo kami sa isang table kung saan kasya kaming lahat. "Hi, Aya." Napatingin ako dun sa nag-hi sa'kin.

Ngumuti ako sa kanya. "Hello, Ken."


Hindi ko siya nakita kanina sa classroom.

"Can I join you guys?" Tumango naman kaming lahat kaya naupo na siya sa tabi ko. "By the way, saan ka pala galing, Aya? Si Angel nalang tuloy 'yung naging partner ko sa intrams." Ay oo nga pala, hindi nga pala ako nakasali.

"It's a long story. Aabutin tayo ng umaga kung ikikuwento ko sayo."

"Okay lang, I'm willing to wait." And he smile. Mukhang may iba pang kahulugan 'yung sinabi niya. Ngumiti nalang ako. "At alam mo ba na sinabi ni Trixia..."

"Oo, alam ko na."

"Don't worry, I don't believe her." Sabi niya. Salamat nalang at maraming naniniwala sa'kin. 'Yung Trixia na 'yun kanina parang papatayin niya na ako sa tingin niya. Humanda talaga siya sa'kin. Gusto niya ng war, di ibibigay ko sa kanya ang world war 2.


At 'yung Harry na 'yun? Hindi ko akalain na maniniwala siya. Kung sabagay, ang dami niya ng naibigay sa'kin kaya siguro naisip niya ng singilin na ako. "Aya, Kenneth! Tingin kayo dito." Sabay kaming tumingin ni Kenneth kay Jenny at may bigla namang nagflash na camera. "Yieh, you two look so cute together. Sayang nga lang dahil taken na si Aya. Haha." Sinamaan ko siya ng tingin.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon