Chapter 31

1K 18 2
                                    

Chapter 31

[Aya’s POV]

Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay lumabas na kaagad ako. Sumalubong sa akin ang nakasandal at nakahalukipkip na si Trixia. Bakit nananatili pa siya dito? Pwede naman na siyang umalis ha. Alam ko na ang daan papunta doon sa kwartong pinag-praktisan namin ni Kenneth kanina.

“Tapos ka na?”

Hindi ba halata?

“Oo, salamat sa pagsama sa’kin dito.”

“You’re welcome.” Nakangisi niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pa at hindi din ako lumakad. Hihintayin ko na siya ang mauuna sa akin.

“Nakapasok ka na dito. How’s Harry’s house? Maganda ba?” Nagtataka akong pinagmamasdan siya. “You already met his father. Ano pa ba ang kulang sa mga plano mo para mapasayo na siya ng tuluyan?”

“Anong ibig mong sabihin?”

Hindi ko siya maintindihan. Kung makapagsalita siya ay parang ang sama ko dito.

Umirap siya at umayos na ng tayo. “Oh come on, Aya. Wag mo akong gawing tanga. You’re a gold digger. You’re taking advantage of what Harry’s felt for you. Alam ko naman na yaman niya lang ang habol mo.”

Sobra ng nanginginig ang kamay ko kaya sinampal ko na siya. I can’t help it!

"May ebedensiya ka ba?" Matapang kong tanong. "Ilang beses ko ng tinataboy si Harry at pinakiusapan na layuan ako kaya hindi ko na 'yun problema kung lapit pa rin siya ng lapit sa'kin."

Hindi porket na nasa teritoryo ako kung saan boto sa kanya ang may-ari ay gaganituhin niya nalang ako.

"Alam ko kaya nga may plano ako."

Kumunot ang noo ko. Anong plano?

Bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang daddy ni Harry dito sa kinatatayuan namin ni Trixia.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko na para bang may masamang mangyayari.

"Aya Lucelle Manlimbana." Hindi ko gusto ang pagkakabanggit ng daddy ni Harry sa pangalan ko.

Hindi ako nagsalita hanggang sa nagsalita na muli si Trixia. "I found out that your mother borrowed a money from my mom." Napalunok ako sa sinabi niya. I'm right. Na malalaman niya rin 'yun.

"Hindi niyo na 'yun kailangan pang bayaran, Aya. Just leave this place."

Natulala ako. Ginagamit niya ang pagkakautang namin sa pamilya nila para paalisin ako dito. Para mapalayo ako kay Harry.

"Ano? Papayag ka ba?"

Nagpapalit ako ng tingin sa kanya at sa daddy ni Harry. Maya-maya ay umiling ako. "Aalis ako kung gugustuhin ko."

Ngumisi si Trixia. "Bakit? Kulang pa ba 'yung perang hiniram ng mama mo? Gusto mo pa..."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin, Trixia."

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon