Chapter 39

954 17 1
                                    

Chapter 39

[Aya's POV]

Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang paligid ko. I miss this place, even though one month lang akong nawala dito.

Papasok na pala ako ngayon sa school.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ng mga studyante dun basta isa lang ang nasa isip ko, wala akong paki.

Excited na akong makita sina Angel. Miss na miss ko na talaga sila. I can't wait to see them and give them a warm hug. Naghihintay nalang ako ng jeep dito. Maaga pa naman so mukhang hindi ako mala-late. Wala na sa vocabulary ko ngayon ang salitang late.

May biglang sumulpot na kotse sa harapan ko. Sigurado akong si Harry 'to. Siya lang naman ang kilala kong may ganitong sasakyan.

Binuksan niya ang bintana niya.

"Hop in, sabay na tayo." He said as he winked at me.

"Aga mo ha."

"Don't complain. Just get inside."

Pumasok nalang ako baka patayin niya pa ako sa tingin niya.

"Sasabog ba ang sasakyang 'to pag may magsalita?" Ang tahi-tahimik kasi eh kaya okay kung basagin ko.

"What do you think?" Napakunot-noo ako.

"So sasabog nga 'to?" Tumingin naman siya sa'kin.

"Kailan ka pa nakakita ng ganyang sasakyan?"

"Ngayon lang!" Tumingin na ulit siya sa kalsada.

Sumeryoso na ang mukha ko na nakakatitig sa kanya. Ang gwapo niya talaga kahit saang view mo siya titingnan. He's perfect. Kahit na sinasabi nilang walang perpektong tao e sa perfect ang paningin ko sa kanya.

"Alam mo Harry, mas bagay ka kay Trixia. Magpakasal ka nalang sa kanya!" Sabi ko at bigla niya nalang hininto ang kotse. Halos lumipad ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaan niyang pagpreno.

Kunot-noo niya akong tiningnan. Kahit masakit sa akin ang mga sinasabi ko pero kailangan ko 'tong gawin. "What?" He asked in disbelief. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko.

"S-Sinasabi ko lang naman na mas mabuti 'yung kayo nalang ang magkatuluyan kasi..." Hindi natuloy 'yung sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"You say that because your afraid of my father? Right?"

"Isa din 'yun sa dahilan."

"Eh ano pa 'yung isa?"

Huminga ako ng malalim saka siya tiningnan sa mata. "Hindi tayo bagay." Bigla siyang Natawa pero alam kong naiinis na siya. Napayuko nalang ako. He's not taking my words seriously.

"Binigyan ka ba ulit ng daddy ko ng pera?" Kumunot ang noo ko. Napatingin kaagad ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata ko. What the... Inaabsorb ng utak ko ang mga sinasabi niya at parang gusto ko siyang sampalin. "Alam mo Aya, pwede ko namang ibigay 'yun sayo eh." Dahil sa galit ko ay sinampal ko siya. Hindi ko nakontrol ang sarili ko.

"Hindi ka ba nasusuka sa mga sinasabi mo?" Sigaw ko sa kanya. Nanggigilid na ang mga luha ko at alam kong anumang oras ay tutulo 'yun sa pisngi ko. "Wag kang mag-alala Harry babayaran kita sa lahat ng ginawa mo." Sabi ko at lumabas na sa kotse niya.

"Wait Aya!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Sakto namang may dumaang taxi kaya pinara ko 'yun kaagad at sumakay. Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko.

[Harry's POV]

I didn't mean to say that. Sinabi ko lang 'yun para hindi siya lumayo sa'kin pero. Ugh! Kainis. Pinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho at hindi nagtagal ay nakarating na ako sa school.

I saw Aya walking at the hallway. I need to apologize to her. Hindi ko 'ata kaya na hindi siya nakakausap.

[Aya's POV]

Habang naglalakad ako sa hallway ay umiiyak pa rin ako. Nang makita ko na malapit na pala ako sa room namin ay pinunasan ko na ang mga luha ko.


P

agkatapos kong magpunas ng mga luha ko ay umarte kaagad ako na parang walang nangyari kanina.

Pumasok na ako at nadatnan ko naman ang mga kaklase ko na may mga sariling mundo.

"Kyaaaaaah! Ayaaaaa!"

Dahil sa sigaw na iyon ay napatingin na silang lahat sa akin.

May nagulat at iba naman ay mukhang galit na nandito ako.

"Aya! Aya!"

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong niyayakap na ng mga kaibigan ko.

"Oh my God! Aya, I miss you so much!" Naiiyak na sabi ni Jenny kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sinabi mo sana sa amin na iyon pala ang nangyari."

"Oo nga!"

"Sorry Aya kung hindi ko naawat ang sarili ko sa pagsabi sa kanila."

Tumingin ako kay Angel at ngumiti.

"Okay lang."

"Naaaah! Payakap nga!"

Hindi pa ako nakapagsalita ay sinunggaban niya na ako ng isang mahigpit na yakap.

Tumingin ako sa upuan ni Kenneth pero wala siya doon. Ganoon din si Trixia.

Mabuti na rin 'yun kasi ayokong magtatanong sa akin si Kenneth at ayoko munang makita ang pagmumukha ni Trixia. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan siya sa harapan ng kaklase namin.

"Tara! Let's sit and talk. Aya, marami kang ekwe-kwento sa amin." Sabi ni Vanessa at hinila nila ako papunta sa upuan ko.

Hindi ko matingnan ang mga kaklase ko. Medyo nahihiya kasi ako sa kanila.

Nagawi ang paningin ko sa pintuan at napalunok naman ako nang makita ko si Harry.

Nag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Para bang humihingi ng sorry ang mga ito.

Dahil sa galit talaga ako sa kanya, umiwas kaagad ako ng tingin.

Sobrang masakit ang sinabi niya sa akin kanina. Para akong sinuntok sa sobrang sakit.

--------------

(Edited)

~PaLaNgErTz

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon