Chapter 13

1.5K 35 1
                                    

Chapter 13

[Aya’s POV]

Nandito ako ngayon sa labas ng gate namin, nakaawang ang bunganga ko. Pa’no ba naman kasi, may isang kotse sa harapan ko na ang gara-gara. “Ma’am, sumakay na po kayo.” Pormal na sabi ng isang lalaki habang binubuksan ang pintuan ng kotse.


Nagtataka akong tumingin sa likuran ko at wala namang tao. Ako ba ang kinakausap niya? Pilit ko nalang ningitian ang mamang nasa harapan ko. “Baka po nagkamali lang kayo ng pinuntahang bahay.” Sabi ko sa kanya. Lalampasan ko na sana siya kaso nagsalita na ulit ito.

“Aya?” Tinawag niya ang pangalan ko kaya muli akong tumingin sa kanya. “Ikaw si Aya do ba?”

“O-Oo! Bakit?” Utal na tanong ko. May utang ba ako sa matandang ‘to? Wala kasi akong matandaan e.


Nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Ano bang problema nito? “Ma’am please, sumakay na kayo. May pamilya pa po ako.” Eh? Bakit siya umabot sa pamilya niya? Teka! Si Harry Potter ba ang nag-utos sa kanya. Hay, ang lalaking ‘yun talaga. Nakalimutan ko na masyado palang bossy ang lalaking ‘yun.

“Manong, tumayo na po kayo. Sasakay po ako.” Nakangiti kong sabi sa kanya at agad naman siyang tumayo. Pinagbuksan niya ako ng pinto na para bang boss niya ako. Hindi ko yata kaya na ganito nalang palagi ang sasalubong sa’kin tuwing umaga. Kakausapin ko nalang si Harry mamaya.

Nang makapasok na si manong sa driver seat ay pinaandar niya na ang kotse. Nagtanong naman ako. “Manong, si Harry po ba ang nag-utos sa inyo na sunduin ako?” Gusto kong e-sure baka kasi kidnapin na naman ako.

“Opo ma’am! Mabuti nalang at sumakay kayo kundi, wala na akong trabaho ngayon.” Sabi niya na ikinuot ng noo ko. Nakuha talaga ni Harry Potter na manakot ha. Ang gago niya.

“Baliw talaga siya! Nga pala manong, wag niyo po akong tawaging ma’am dahil isang hamak na mahirap lang naman po ako.” E ikaw kaya? Tawagin kang ma’am e hindi naman bagay sa akin.

Umiling si manong. “Dapat masanay na kayo ma’am dahil kasintahan ka ni Sir Harry at tiyak na magbabago ang buhay mo.” Anong pagbabago ang pinagsasabi niya? Tss! Hindi ko boyfriend ang lalaking ‘yun. Ang kapal niya. Sinabi ko lang naman ‘yun kahapon dahil papatayin niya si Megan. Tinakot niya lang ako.

After 10 min ay nakarating na kami sa school. Agad akong bumaba at paglabas ko palang ay nagtitinginan na sila sa’kin. Ngayon lang siguro sila nakakita ng artista. Feeler mo Aya. Hindi lang naman ikaw ang pinagtitinginan kundi pati din ‘yung sasakyan.

Hindi ko nalang binigyang pansin ang mga kakaiba nalang titig at nagmadali nalang pumunta sa classroom. Pagpasok ko ay tinitingnan nila ako. Hanggang dito pa naman? Wala pa si Teacher Maileen kaya nag-uusap lang kami nina Jenny, Kyla, Vanessa, Angel at Jamaica.

“Ang gara ng sasakyan mo, Aya! Nakita ko kanina.” Sabi ni Jamaica na ikinatawa ko.

“Oo nga! Mayaman ka naman pala e.” Napa-poker face ako sa sinabi ni Kyla. Mayaman daw ako? Asa.

“Hindi akin ‘yun.” Walang gana kong sabi.

“E kaninong kotse ‘yun?” Nagtatakang tanong ni Angel.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon