Chapter 50

1K 18 0
                                    

Chapter 50

[Aya’s POV]

Nakita ko si Harry na nakapasok na sa room at kasama niya si Trixia.

Nag-evil smile pa siya sa’kin na parang sinasabing ‘akin na ‘tong boyfriend mo eh di lamunin niya. ‘Yan naman talaga ang gusto niya eh.

Nakita ko si Harry na nakatingin sa’kin na seryoso ang mukha.

Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

Nandito na ‘yung teacher namin kaya naupo na din silang dalawa. Hila-hila pa ni Trixia si Harry.

Math period namin ngayon at nagsesetwork lang kami.

Kaliwang kamay ang gamit ko. Ang pangit nga ng mga numbers na sinulat ko eh. Pero ang importante check lahat ang answers ko.

“Miss Aya!” Tinawag ako ni ma’am kaya tumingin ako sa kanya. “Isulat mo nga ang solution mo sa pisara.” Isulat? Hirap nga akong magsulat.

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at pumunta sa harapan.

[Trixia’s POV]

Kainis! Kanina pa kami nagsesetwork pero si Aya at Kenneth lang ang nakakacheck.

Siguro inis na inis na ‘yung teacher namin kaya tinawag niya na talaga si Aya.

May napansin lang ako.

“Bakit nanginginig ang kamay ni Aya?” Nagulat ako nang biglang napatingin si Harry sa kanya na kanina pa nakayuko dahil sa sinabi ko. Halos hindi niya kayang kumuha ng chalk. Ibang klase!

Ilang second din ‘yung nagdaan bago siya nakakuha ng chalk at ngayon dahan-dahan na niyang itinaas ang kanang kamay niya. Nanginginig ito. Ano bang nangyayari sa kanya? Well, I don’t care!

Ang mukha ni Harry ay parang nag-aalala.

Mahirap bang magsulat sa pisara?

“Miss Aya are you okay?” Tanong sa kanya ng teacher.

Tumango siya bilang sagot.

“Ah ma’am ako na po ang magsulat sa solution ni Aya sa pisara total nandito lang naman sa notebook niya!” Sabi ni Kenneth at tumayo.

Tumingin ako kay Nathan na nasa likuran ko lang.

“Nathan sabihin mo nga. Anong nangyari kay Aya?” Tanong ko sa kanya.

Tinuro niya si Harry at sinuntok ang kanang kamay niya.

Gets ko na.

Nasuntok ni Harry si Aya sa kamay. Kawawa naman pala. Siguro hirap na siya kaya nakipaghiwalay siya kay Harry.

[Aya’s POV]

Natapos na ang klase namin at puro sulat lang kami ng sulat. Si Kenneth ‘yung nagsulat sa’kin. Ang bait niya talaga. Sinave niya pa ako kanina sa pisara. Ang sakit-sakit talaga ng kamay ko lalo nung tinaas ko. Gusto ko ngang umiyak eh pero nakakahiya kasi ano ang idadahilan ko? Hindi ko kayang sumagot! Haha tatawanan ko nalang ang sarili ko.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon