Chapter 38

970 20 0
                                    

Chapter 38

[Aya's POV]

Nandito na kami sa airport at nagpaalam na din ako kay Lora. Medyo naiiyak nga siya eh. Kahit isang buwan lang kami nagkasama naging close ko pa rin siya. Iiyak na sana ako pero pinigilan ko kasi alam ko naman na magkikita pa kami eh.

"Let's go!" Sabi ni Harry at sumunod naman kami.

Pumasok kami sa eroplano at tinulungan naman nina Ian at Nathan si papa.

Pagpasok namin ay nabigla ako.

"Bakit wala pang tao dito?" Tanong ko.

"Aya, ang Montefalcon family ang may-ari ng airport na 'to so okay lang na tayo lang ang sasakay sa eroplanong 'to." Ngiting sabi ni Nathan. Grabe! Ang yaman talaga nila. Sila na.

Umupo na ako sa isa sa mga upuan. Tumabi ako kay papa.

"Papa kailangan nating sabihan si mama na gising na kayo." Sabi ko at ningitian niya naman ako at tumango.

Ayoko kasing mag-alala pa si mama dun. Ilang araw ko na palang hindi siya nakakausap.

Habang lumilipad ang eroplano ay natulog muna ako.


Sana walang masamang mangyari pagbalik namin.

*

After 2 hours ay nag-landing na ang eroplano.

Oh my God! Welcome back Aya.

"We're here! Okay sige! Palabas na kami." Narinig kong sabi ni Ian. May kausap kasi siya sa cellphone niya.

"Nasa labas na ng airport ang van guys so let's go." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

Bigla namang may humawak sa kamay ko kaya tiningnan ko 'yun at tumingin sa taong 'yun.

Si Harry.

"Ehem... Ehem..." Malaki ang mga mata kong nakatingin kay papa.

Ngumiti lang si Harry sa kanya. Gago! Ni hindi man lang binitawan ang kamay ko. Hindi talaga siya nahihiya sa papa ko.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami.

Pumasok kami sa isang puting van at sa wakas binitawan na ni Harry ang kamay ko.

Pinaandar na ni Manong driver ang van.

Nahihiya na talaga ako. Ang dami ko ng utang sa gagong 'to.


"Ihatid mo nalang kami sa address na ito, hijo."

May ibibigay sanang papel si papa kay Harry pero hindi niya ito tinanggap.

"May tutulayan na po kayong bahay, sir at doon namin kayo ihahatid."

Nagulat naman si papa. "Ha? Saan naman?"

"Sa dati niyo pong bahay, sir. Nasunog po ito pero napaayos na."

Tumango-tango si papa.

"Ganoon ba?"

"Opo."

Pagdating namin sa dati naming bahay ay namangha ako.

Parang wala pa ring pinagbago ha.

Lumabas na ako at tumingin-tingin sa paligid.

"We'll go ahead po." Sabi ni Harry at tumingin sa'kin. "Aya, kita nalang tayo sa school bukas." Ningitian ko siya.

"Okay, bye!"

Siguro pagod na din sila kaya hindi ko na sila pipigilang umalis.

"Bye!"

"Bye, Aya!"

Kinawayan ko lang sina Nathan at Ian.

Nang mawala na sa paningin ko ang van na sinakyan nila ay tumingin na ako kay papa.

"Papa, tara na po."

"Sige, tara!"

Habang lumalakad kami papunta sa bahay namin ay marami kaming nakasalubong ni papa na kapit-bahay namin.

"Oy, Pareng Pepoy, matagal din kitang hindi nakita ha!"

"Hahahaha! Oo nga, napahaba ang tulog e."

"Mukha nga ho. Mabuti at nagising na kayo."

Hindi nagtagal ay marami na rin ang lumapit sa amin.

Maraming kamustahan ang nangyari at maraming nagtanong kung saan ba daw kami galing. Sinasagot lang naman namin sila ng mahabang kuwento.

Nagpaalam muna ako sa kapit-bahay namin at hinayaan ko nalang muna si papa na makipag-kuwentuhan sa kanila.

Nang maipasok ko na ang mga gamit namin ay hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Kompleto ang mga gamit. Mahahalata pang mga bago ito.

Sa katunayan nga ay mas gumanda ang bahay namin.

[Harry's POV]

Iidlip na sana ako pero sinagot ko muna ang tumatawag.


Walang nakalagay na pangalan kaya hindi ko kilala.

"Hello? Who's this?"

"Ahm..."

Nabuhay yata ang kaluluwa ko nang marinig ko ang boses niya.

"Aya." Nakangiti kong sambit.

"Ah... I just wanted to say thank you."

"For what?"

Matagal siyang natahimik sa kabilang linya.

Narinig ko naman na nagbuntong-hininga siya.

"Kahit hindi mo sabihin, alam kong ikaw ang nagbago ng bahay namin, Harry."

Yeah! She's right. Noong nasunog ang bahay nila, pinagawa ko kaagad ito.

Hindi niya alam ito kasi ayokong magbabayad siya sa'kin. Knowing Aya, alam kong ayaw niyang nagkakautang ng loob sa iba.

"Yeah, I'll admit it."

"Tss! Sasabihin ko kay papa. Babayadan ka namin."

"Aya..."

"Sa ayaw at sa gusto mo."

See?

---------

~PaLaNgErTz

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon