Chapter 45

952 22 0
                                    

Chapter 45

[Harry’s POV]






“Bitawan mo siya at maglaban tayo.”





“Hahahaha game! Iyon lang pala eh!” Tawang-tawa pa siya. “Pag matalo kita akin na ‘tong girlfriend mo!” Asa namang matatalo niya ako.





Tumingin siya sa kasamahan niya at parang nag-uusap ang mga mata nila.





After a seconds binitawan nila ang mga hawak nilang babae.







[Aya’s POV]




Kinakabahan ako. Mga gagong ‘to ako pa ang ginawang prize.





Pero alam kong tatalunin lang sila ni Harry. Not only Harry but also Nathan and Ian.





Duguan na ‘yung mga kalaban pero ‘yung tatlong gwapo parang hindi man lang natamaan. Ang galing lang nila eh.




Tumakbo ‘yung isang lalaki patungo kay Harry pero ng tingnan siya ni Harry ay agad nalang itong tumakbo palayo. Hahahahaha wala palang binatbat ang mga ‘to eh.






Nahihirapan man silang tumayo pero kinaya pa rin nila makaalis lang sa lugar na ‘to.





Nang matapos na ang laban nila ay agad namang tumingin si Harry sa’kin.




“lets go!” sabi niya at hinila ako. Sumunod naman sina Ian at Nathan.





Nagwave ako sa mga kaibigan ko at sinabing “umalis na kayo diyan baka balikan kayo!” pagkasabi ko nun, agad nalang silang nagsitakbuhan.






Pumasok na kami sa kotse ni Harry ganon din ang kaibigan niya.




“Akala ko malalakas sila!” basag sa katahimikan ni Ian.





“Oo nga! Eh wala rin palang binatbat!” sabi naman ni Nathan.





“kilala mo ba sila Aya?” napatingin ako kay Ian nang tanungin niya ako.




“ha? Si Rey kanina ko pa siya nakilala at hindi ko kilala ang mga kasama niya.”




“next time ‘wag kang aalis na hindi kami kasama!” sabi ni Harry habang nagdadrive.





Mukhang galit siya.





After a minute nakarating kami sa bahay nina Ian. 






“anong gagawin ko dito?” tanong ko. Kailangan ko na kasing umuwi baka nag-alala na si papa.







“ihahatid kita mamaya!” sabi ni Harry at pumasok na kami.





Kung sabagay 5:50 pa naman.





My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon