Chapter 51

979 19 0
                                    

Chapter 51

[Trixia's POV]

"BULLSHIT!" Sumisigaw ako ngayon sa sala at kinakalat ko ang mga gamit. "UGH!!" Binabasag ko ang mga gamit na mababasag.

"Trixia enough!"

"ENOUGH? DAMN MOM!! PATULOY NA TALAGANG NAWAWALA SA'KIN SI HARRY!"

Naiinis na talaga ako eh. Nakita ko kagabi na hinalikan ni Harry si Aya. Pupunta sana ako dun para magkaayos kami ni Harry kaya lang, shit, sana hindi nalang ako pumunta kung ganon lang din naman ang aabutan ko.

"Eh di gumawa ka ng paraan. Pati ako nababaliw na din dito eh!" She rolled her eyes.

"May paraan pa upang maging kami ni Harry." She looked at me.

"What?"

"Kailangan mawala ang babaeng mahal niya. Gusto ko mawala ang babaeng 'yun mom."

She smiled. "Anong plano mo?"

"Gusto kong kidnapin natin siya at patayin."

Wala na ako sa tamang pag-iisip. Iyon nalang talaga ang naisip kong paraan.

"Okay! That's a good plan." Napangiti nalang ako sa sinabi ni mommy.

Get ready Aya. Ito na ang huling araw mo sa mundong ito.

[Kenneth's POV]

Lalabas na sana ako ng bahay kasi papasok pa ako nang may biglang sumigaw.

"Kenneth, wait!"

Tumingin ako sa likuran ko nang may tumawag sa 'kin.


Si Harry.

"Ano?"

He took a deep breath at tumingin sa'kin. "I wanted to say sorry kasi nasuntok kita."

Napangisi ako sa sinabi niya. Bago 'to.

"Nasuntok o sinuntok?"

"Okay! Sinuntok and I'm sorry!"

"Sino naman ang nagtulak sayo para humingi ng tawad sa'kin?" Hindi siya sumagot. "Ahh, siguro si Aya no?" Wala pa din siyang imik. "Tama! Si Aya nga... Okay, pinapatawad na kita."

"Tss! Sa susunod kasi wag mo siyang hahalikan sa..."

"So dahil dun nagalit ka?"

"Anong away yan?" Biglang dumating si Tito.

"Ito kasing si Harry tito eh."

"Tss!"

"Bakit ano bang nangyari?"

"Si Harry nalang po mag-explain sa inyo Tito kasi susunduin ko pa si Aya." Sabi ko at tumakbo na palabas.

[Harry's POV]

Gago talaga ang Kenneth na 'yun.

Susunduin niya ang girlfriend ko?

Hindi ibig sabihin na nag-away kami ni Aya ay pwede na siyang pomorma. Masasapak ko talaga siya.


Hindi pa kami tuluyang ayos ni Aya pero naaamoy ko na malapit na 'yun.

"Di ba dapat ikaw ang susundo kay Aya?" Napatingin ako kay dad.

"Hindi po kami okay."

"Huh? Bakit?"

"Kasi may nasabi ako sa kanya na nakakasakit at... Nasuntok ko siya sa kamay pero hindi ko yon sinasadya." Kita sa mukha ni dad ang pagkagulat.

"Bakit?"

"Late na ako pa kaya aalis na ako."

Umalis na ako kasi hindi ko pwede sabihin na dahil kay Kenneth.

[Aya's POV]

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa Harry na 'yun. Aish! Bakit niya ba 'yun ginawa?

Nakita ko si Kenneth sa labas ng bahay namin.

"Kenneth, anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko sabay na tayong pumasok."

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "sige! Tara!" At lumakad na kami papunta sa kotse niya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Pumunta talaga siya dito para sabay kaming pumasok.

"Bati na ba kayo ni Harry?"

"Pinapatawad ko lang siya dahil nasuntok niya ako."

"Ganon ba?"

"Bakit mo naman nasabi na bati na kami?"

"Because he apologized to me."

"Tinotoo niya talaga ha?"

Sinabi ko kasi sa kanya kagabi na mag-sorry siya kay Kenneth bago ako umalis.

"Basta ikaw magsabi gagawin niya talaga kasi takot siyang ewan mo e."

"Tss!"

Alam kong joke lang yon.

Biglang huminto si Kenneth nang may humarang sa harap ng daan namin. Dalawang kotse.

"Ano 'yun?" Gulat na tanong ko.

"Shit!"

"Bakit?" Tumingin ako sa kotse at may lumabas na limang lalaki.

Sino sila?

Binuksan nila ang pinto sa driver seat at hinatak nila si Kenneth papalabas.

"KENNETH!" Sigaw ko pero napatingin ako sa likuran ko dahil may bumukas din dun. Hinila nila ako at tinakpan ang bibig ko.

Nandilim ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.

____________

~PaLaNgErTz♥

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon