Chapter 35

1K 24 1
                                    

Chapter 35

[Aya’s POV]

Gumagabi na pala. Tumingin ako sa orasan at napagtanto kong alas-syete na pala ng gabi. Madilim na ang labas ng hospital pero maganda pa rin ang tanawin sa labas dahil sa mga ilaw ng sasakyan. Tumingin ako kay papa na ngayo’y nagbabasa ng ewan ko kung ano ito. “Papa, uuwi na muna ako.”

Tumingin siya sa’kin habang binababa ang kanyang suot na eyeglass. Sige, mag-ingat ka.” Tumango ako at kinuha na ‘yung bag pack sa upuan.

Magpahinga na din kayo, pa para mabawi niyo ang lakas niyo. Bukas na kayo magbasa diyan, gabi na o.”

Nagkibit-balikat siya kaya natawa ako, mukha kasing bata ang papa ko. Haha! Bakit? Mawawalan ba ako ng lakas kapag magbabasa ako?” Napailing nalang ako habang pinipihit ang door knob para lumabas na.


Mukhang magaling na nga si papa kaya ang saya ng pakiramdam ko. Parang nawalan ako ng kalahating pursyento ng problema at parang gumagaan na ang loob ko.

Kabisado ko na ang daan patungo sa bahay namin kaya maglalakad nalang ako pauwi. Isang buwan na ako dito kaya medyo nakakaintindi na ako sa pananalita nila.

Malapit lang ang bahay namin sa hospital. Sa una, masasabi mo talaga na malayo ito kasi nga hindi ko pa alam ang mga shortcuts pero ngayon, alam ko na. Rinig na rinig ko ang ingay ng mga sasakyang dumadaan habang naglalakad ako dito sa kalye. Napapabuntong-hininga nalang ako na nakatitig sa mga ito, naiisip ko kasi si Harry. Sana nandito siya, nakasakay sa isang sasakyang dumadaan dito. “Hay, Aya! Just forget about him!” Sinasampal-sampal ko ng mahina ang aking mukha kasi feeling ko, nababaliw na ako kakaisip sa Harry na ‘yun.


Lumiko na ako sa isang eskinita. Lakad lang ako ng lakad pero parang nagsisi ako kasi ang dilim at wala ng taong naglalakad, ako lang. Waaaah! Natatakot tuloy ako. Napalunok ako na nakakapit sa strap ng bag ko. Diretsiyo lang ang lakad ko at hindi ko pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng paligid. Ngayon ko lang napagtanto na medyo creepy pala ang lugar na ito.

“Ms. Aya?” Gulat akong napatigil sa paglalakad at muling napalunok ng laway. Ayokong tumingin sa likuran ko kasi pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na tila ba, parang lalabas na siya sa ribs ko. I wanted to run but hell! I don’t want to look like a coward one so I should confront this person who called my name.

Lumingon ako sa likuran ko at laking-gulat ko nalang nang makakita ako ng tatlong lalaki. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan silang naglalakad palapit sa akin. “S-Sino kayo?” Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ng isang lalaking may suot na sumbrero. Nagpumiglas ako para makawala kaso masyado siyang malakas. Napadaing pa ako ng mahina kasi parang bumabaon ang kanyang koko sa kamay ko. TEKA! BITAWAN MO NGA AKO!” Gusto ko ng umiyak dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako, sobrang natatakot ako.

“Finally, we have found you.” Sa tono ng pananalita niya ay parang ang laki ng galit niya sa akin.

BAKIT? ANO BANG KAILANGAN NIYO SA’KIN?” Tinakpan niya ng mahina ang bibig ko at naaninag ko ang kanyang mukha nang ilapit niya sa’kin ang kanyang mukha.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon