Chapter 12

1.4K 37 4
                                    

Small update lang ‘to, guys :) busy pa kasi ako e. Exam na namin bukas.

Enjoy!

:D

————————

Chapter 12

[Aya’s POV]

Pagkatapos naming maglaro kanina ay hindi na ako nagbihis pa. Hindi naman ako masyadong pawisan kasi palagi akong nagpapa-sub kanina, hindi ko kasi kinaya ‘yung mga matatalim na tingin ni Trixia.

Isa pa, hindi na ako nag-abala pang magbihis kasi baka susundan pa ako ni Harry Kukulitin na naman niya ako na maging girlfriend niya. Tanong ko lang ha, bakit kailangan niya ng girlfriend e meron naman siyang fiance?

Nagpatuloy ang klase namin. Teka! Napansin ko na wala si Harry Potter. Hindi siguro ‘yun pumasok dahil BH. Hehe, hindi bring house ha kundi BROKEN HEARTED! Hahaha! “Hoy, Aya!” Napatingin ako kay Jenny nang sumigaw siya at bahagya akong binangga ng kanyang balikat.

“B-Bakit?” Tanong ko. Anong nangyayari? Bakit sila nagtitinginan sa akin?

Pati si ma’am nakatingin din sa’kin, ang mga tingin nila ay pinaghalong pagtataka at inis.

“Bakit ka ba tawa ng tawa diyan?” O_o Ganyan lahat ang mga mukha nila. Tumingin ako kay ma’am at ngumiti ng pilit, Edukasyon sa Pagpapakatao pa naman ang klase namin ngayon at seryoso silang lahat samantalang ako ay tumatawa daw.

“H-Ha?” Tumawa ba ako? Oo nga pala. Pero akala ko nasa isip ko lang ‘yun? “Sorry!” Sabi ko nalang at nagpatuloy naman ang klase. Bakit ba ako tumawa? Ang gaga ko talaga.

*

Nagpaalam na kaagad ako sa mga kaibigan ko nang oras na ng uwian. Pagod ako kaya hindi ako sumama sa kanila nung imbitahin ako ni Angel na gagala daw kami.

Naglalakad ako sa gilid ng highway habang naghihintay ng masasakyan. Wala pa kasi akong nakikitang jeep o di kaya tricycle e. Nag-angat ako ng tingin at nagulat naman ako nang makita si... “Megan?” Sigaw ko at lumapit kaagad ako sa kanya.

“Aya!” Nagyakapan kami ng mahigpit ng mahigpit na parang wala ng bukas. Haha! “Kumusta ka na?” Tanong niya nang kumalas na kami sa isa’t isa.


“Ito! Medyo okay, medyo hindi.”

“Hahaha! Baliw ka talaga!”


“Ikaw? Kumusta...”

Nagulat ako dahil may humila sa kanyang lalaki at tinutukan siya ng baril. Kumalabog ang dibdib ko nang makita kong hindi lang nag-iisa ang lalaking ‘yun, marami sila.

Nakita ko si Megan na gulat na gulat sa nangyayari at parang gusto niyang sumigaw pero pinipigilan niya lang dahil mukhang tinatakot siya ng lalaking may hawak sa kanya ngayon.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon