Chapter 22

1.2K 22 0
                                    

Small update ulit guys. Sorry!

Tao din po ako, napapagod sa pagta-type.

————

Chapter 22

[Aya’s POV]

It’s been a week since Harry confessed his feelings to me. Sa mga dumaang araw ay hindi ko maiiwasang hindi maalala ang nangyari doon sa rooftop. Siguro nahalikan niya ako kung hindi lang tumunog ang cellphone niya.

Kasalukuyan akong nagluluto ngayon. It’s dinner time. Friday na ngayon kaya walang pasok bukas. Ano kaya ang magandang gawin?

Siguro magkukulong na naman ako sa hospital buong maghapon. Nakagawian ko na ang bagay na ‘yun kaya hindi na ako nakakaramdam pa ng pagkabagot.

Mas mabuti na ‘yung nasa tabi lang ako palagi ni papa.

Hinain ko na ang niluto kong ulam at nilagay sa lamesa. Napabaling naman ako ng tingin sa cellphone ko na nasa lamesa lang din.


I shrug when I saw Harry’s name at the screen. He’s always like this, calling me often that as if I am his girlfriend.


Hindi ko man gustong sagutin pero wala na akong magagawa pa. Baka matulad na naman no’ng Tuesday na pinuntahan niya ako dito sa bahay kasi hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.

Nag-alala daw siya sa’kin. Abnormal talaga. “Anong kailangan mo?” Tanong ko kaagad.

“I just wanted to hear your voice.”

Umirap ako. “Here you go again. Ang sarap mong sakalin.”

Narinig ko siyang tumawa kaya inimagine ko tuloy kung gaano siya kagwapo ngayon.

Ew! Ew!

Gwapo niya mukha niya!

“Marami pa akong gagawin kaya bye na.”

Pipindutin ko na sana ang pulang button na nagpapahiwatig na puputulin na ang tawag kaso bago ko pa ‘yun nagawa ay ang cellphone ko na mismo ang pumatay nito. Low battery shut down.

Kasabay nun ay ang pag-off ng ilaw dito sa kusina. Brownout.

Hays, kung kailan ako kakain siyaka naman nag-brownout. Takot pa naman ako sa dilim. Lowbat ang cellphone ko at pati din ‘yung flashlight. Ang tamad ko kasing magcharge.

Alam ko na, bibili nalang ako ng kandila.

Dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay, baka kasi mag-ice kating na naman ako. Mahirap na. Memorise ko naman ang daan pero kailangan pading mag dahan-dahan.

Pagdating ko sa tindahan ay agad akong bumili ng kandila.

Medyo natatagalan pa ako dahil marami din akong nakasabay sa pagbili.

“Thank you, Aya.”

Ngumiti lang ako sa tindera at tumalikod na.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon