Chapter 36

992 16 0
                                    

Chapter 36

[Aya’s POV]

Nagising ako na yakap-yakap si Harry. Ganoon din siya sa’kin at hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. Mukha talaga siyang anghel.

Dahan-dahan na akong bumangon para hindi ko siya magising.

Accomplished naman so naligo na ‘ko. Sa banyo na rin ako nagbihis at hindi sa kwarto ko. Baka biglang magising si Harry at wala akong saplot. I can’t imagine.

Pupuntahan ko si papa sa hospital. Ngayon kasi siya ilalabas.

[Harry’s POV]

Nagising ako na wala na si Aya sa tabi ko.

Napabalikwas ako ng bangon at lumabas kaagad ng kwarto.

Saan nagpunta ‘yun?

Wala siya sa sala nila.

I went to the Kitchen pero wala rin siya dito.

“Dude.”

Narinig ko si Nathan sa likuran ko.

“Have you seen Aya?” I asked.

“Nope Ngayon nga lang ako nagising eh.”

Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya at napasinghao.

“Naku, baka tinakasan na naman tayo.”

Ano daw?

Hindi nalang ako nagsalita. Imposible naman na maglayas siya. Wala naman siyang ibang pupuntahan.

Fuck!

Subukan niya lang na takasan ulit ako. Lagot siya sa’kin.

“Good morning!”

Kakagising lang ni Ian.

“Sarap ng tulog mo ha!”

“Tumahimik ka. Alam mo bang gusto na kitang patayin?”

“Huh? B-Bakit naman?”

“Hindi mo alam? Napuyat lang naman ako kasi hindi ako nakatulog dahil usog ka ng usog. Para kang helicopter.”

“Hahahahahaha! Peace na tayo bro!”

“Shut up guys!” I said to them.

“Waaaaaaah!”

Bigla nalang may sumigaw mula sa pintuan. Shit! Nabingi  ‘ata ako ha. Sino ba kasing halimaw na ‘yan? Kung makasigaw parang wala ng bukas.

Tumingin kaming tatlo sa kanya at parang gulat na gulat siya.

“Kinsa mo?” (Sino kayo? )

Ano bang pinagsasabi niya. “Kawatan mo ba? Waaaaah!” (Magnanakaw kayo no? Waaaaah!)

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon