Chapter 47

874 16 0
                                    

Chapter 47

[Aya’s POV]


Hindi ko na talaga kaya ang mga naririnig ko.

Kainis!

Nasaan na ba si Harry?


Ayon! Palabas na siya ng gate.

Tumakbo ako dun para sundan siya.




Walang hiya talaga ang Rey na ‘yun! Ang kapal talaga ng mukha niya. Girlfriend? Kainis! Ayoko ng isipin ‘yun.


“Hep! Hep! Hep!” Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang humarang sa’kin ‘yung guard.


“Kailangan ko lang kausapin ang lalaking ‘yun.” Sabi ko sabay turo kay Harry.




“Sorry miss pero hindi pwede!”


“Sige na po please! Kailangan ko lang po talaga!"




“Sorry talaga."



Wala na akong nagawa sa guard na ‘to.


Nakita ko si Harry na nakasakay na sa kanyang kotse at pinaandar na ito.





“HARRY!” Sigaw ko pero as if namang maririnig niya ako.


Nagbell na kaya papasok nalang ako sa classroom.



Ang daming nakatingin sa’kin. Parang papatayin na nila ako sa titig nila.

“Ang kapal talaga ng mukha niya.” Aba’t ang sarap lang niyang sapakin e.

Tumingin ako sa gate at nakita ko sina Ian at Nathan.



Dumungaw ako dun at... Pinalabas sila ng guard.

Buti pa sila.


Nakapasok na ako ng classroom namin at ang sama ng tingin nila. Walang pumansin sa’kin except sa mga kaibigan ko.

Alam ko naman na alam nila na palabas lang ‘yun kanina eh.



Ningitian lang ako ni Kenneth at ngumiti din ako sa kanya.



Si Trixia naman! Normal lang siya. Hindi tumitingin sa’kin.

Umupo na ‘ko at hindi ako nakikinig sa teacher namin.



Iniisip ko ang nangyari kanina.




Simula ng magpakilala sa’kin si Rey ang dami ng nangyari. Sino ba talaga siya? I mean sino ang nag-utos sa kanya na sirain ako ng gan’to? Alam kong may nag-uutos sa kanya. Hindi niya naman ‘yun gagawin ng basta-basta nalang eh. Kailangan kong malaman ‘yun.


Sana hindi naniwala si Harry sa mga sinasabi ni Rey kanina.



Pero... Kita sa mukha niya na nagagalit.



My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon