Chapter 3

1.9K 38 1
                                    

Chapter 3

[Aya’s POV]

Ngayon ang alis ni mama papuntang America, kailangan niyang magtrabaho nang malayo para mabayaran ‘yung utang namin. Gusto kong umiyak dahil first time ko itong malayo sa kanya. "Sige anak, ikaw muna ang bahala sa sarili mo, ha? Babalik din ako." Hindi ko maiwasang hindi malungkot.

Tumango ako kahit mahirap gawin. "Opo ma, mag-iingat kayo ro'n." Sabi ko at niyakap siya.

Umalis na si mama, hindi ko maiwasang hindi umiyak. One week na akong absent sa klase pero alam kong maiintindihan nila ako.

Araw-araw akong pumupunta ng hospital para dalawin si Papa at araw-araw rin akong nagdadasal na sana ay magising na siya.

May biglang kumatok ng pintuan kaya dali-dali kong pinahid ang luha ko sa pisngi. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Pasok!

Aya?Si Megan pala. Kumusta na ang Papa mo?Tanong niya.

Napabuga ako ng hangin. Ito, hindi pa rin gumigising.Feeling ko, tutulo na naman ang mga luha ko. Umiling nalang ako para hindi matuloy.

It’s okay. Don’t lost hope dahil gigising din siya. Ngumiti ako at tumango. By the way, ‘yung biseklita mo pala hinatid ko na sa bahay niyo, naiwan mo kasi sa school. Oo nga pala, naiwan ko ‘yun dun at nakalimutan ko namang kunin.

Salamat, ha? Naabala pa tuloy kita."

Hindi, okay lang.Umupo siya sa tabi ko.

So kumusta ang klase natin? One week na akong hindi pumapasok, bumaba na ba ‘yung mga grades ko? Huwag naman sana. Iiyak na talaga ako rito. Huhuhu!

Excuse ka naman sa mga activity natin kaya ikaw pa rin ‘yung first.” Sabi niya at napahinga naman ako nang maluwag.

Salamat naman.

Siya nga pala Aya, ang swerte mo. Kumunot ang noo ko.

Ha? Bakit naman?” Taka kong tanong.

Kasi no'ng araw pala na pumunta si Harry sa school natin ay para pala pumili ng studyante na bibigyan ng pamilya niya ng scholarship at alam mo ba kung sino? Umiling ako. Ikawyun teh! Haha, ang swerte mo!” A-ano?

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon