Chapter 53

1.2K 21 1
                                    

Chapter 53

[Aya’s POV]

“STOP IT TRIXIA!” Agad akong napadilat nang may biglang sumigaw.

Halos maiyak ako nang makita ko si Harry.

Panatag na ako kapag nandito siya.

Kasama niya sina Ian at Nathan, pati din ang daddy niya.

“What are you doing Trixia?” Galit na tanong ni Mr. Montefalcon.

“Tito Hendrick, it's nice to see you.”

[Trixia’s POV]

Shit! Ba't nila alam na nandito kami?

Anong gagawin ko ngayon?

“Let go of her, Trixia." Galit na sabi ni Harry. Nang mapatingin siya sa akin ay sobra siyang nag-aalala.

“Bakit ko naman gagawin 'yun?"

“Trixia, gusto mo bang makulong?” Tanong ni Tito Hendrick.

So tinatakot nila ako? Baka nakakalimutan nila na marami din akong tauhang dala dito.

[Harry’s POV]

Buti nalang at sinundan ko sina Kenneth na papunta sa school kanina kundi hindi ko ‘to malalaman.

Tinawagan ako ni Daddy kanina at may sinabi siya sa’kin na sobra kong ikinagalit.

Narinig ko rin ang mga sinasabi ni Trixia kay Aya. So siya pala ang gumagawa ng mga bagay na ‘yun. Katulad din siya sa mommy niya. Mamamatay tao!

Fuck! Si Tita Evy ang pumatay sa mommy ko. Hindi ko talaga siya mapapatawad. HAYOP!

“I have a deal!” Sabi ni Trixia kaya napatingin ako sa kanya.

“What deal?” I asked.

“Maglaban tayo!”

“Huh?” Si Ian.

“Kung gusto niyong makuha ang babaeng ‘to maglaban tayo! ‘Pag kayo ang mananalo ibibigay ko siya sa inyo.”

“Pag natalo kami?” Tanong ni Nathan.

“Simple lang!” Tumingin siya sa’kin. “Papakasalan mo ‘ko.”

[Aya’s POV]

Kasal? Papayag ka ba Harry? Kung tutuusin mas marami sina Trixia kaysa sa inyo.

Natahimik ang lahat at hinihintay ang sagot ni Harry.

“Sige!” ANO? Papayag siya? Bigla nalang akong napayuko. Gusto kong umiyak.

Nakita kong napangiti si Trixia ng napakalaki.

“Pwede ko bang lapitan si Aya sandali?” Pakiusap ni Harry pero hindi sumagot si Trixia. “Don’t worry hindi ko siya itatakas."

“Tss! Sige!”

Ano naman kaya ang balak ng lalaking ‘to?

Naglakad na siya papunta sa’kin.

Akala ko kung ano na ang gagawin niya 'yun pala lumapit lang siya sa tenga ko. Nakakagulat din di ba?

“Kung mananalo kami dito magiging tayo ulit." Bulong niya. “Payag ka ba sa deal ko?”

“Ang kapal mo, hindi ako papayag!” Isasali pa ’ko sa deal-deal na ‘yan.

“Sige kung hindi ka papayag magpapabugbog nalang ako."


Umalis na siya. Magsasalita na sana ako kaya lang nagsalita na si Nathan.

“Hoy dude, ano ‘yang pinag-uusapan niyo? Share ka naman diyan."

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon