Chapter 42

974 14 0
                                    

Chapter 42

[Trixia's POV]

Nung iniwan ako ni Harry ay nakagat ko ang labi ko. He really inlove to Aya. Ang sakit sa feeling na hindi ka gusto ng taong mahal mo. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya sa'kin kanina. Isang malaking suntok 'yun sa'kin.

Umalis nalang ako sa school at umuwi nalang ng bahay. Nakita ko naman si Jenny na nanonood ng television. Binalingan niya ako ng tingin kaya inirapan ko siya.

Nagbihis kaagad ako pagpasok ko sa kwarto. Pupunta ako sa bahay ni Harry upang sabihin kay Tito na nakabalik na si Aya dito sa Manila.

Kainis talaga ang Aya na 'yun. Ang sarap niyang patayin. Sana hindi siya dito nag-aral, wala sana akong problema ngayon. Humanda talaga siya pag hindi sa'kin mapunta si Harry. Hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya.

"Trixia." Narinig ko na ang boses ni Tito kaya tumayo ako. "I'm glad that you're here... I have to say something to you."

"Me too, Tito. Meron din akong sasabihin." I said then umupo na kami pareho sa sofa.


"What is it?" Tanong niya nang makaupo na kami.

"Alam niyo po bang nakabalik na si Aya dito?" I said at mukhang hindi man lang siya nagulat.


"I know ." Halata naman e.


"Tito, she's still Harry's girlfriend." Sabi ko na iritang-irita talaga.


Hindi siya nagsasalita at mukhang nag-iisip siya. Tama 'yan Tito, mag-isip ka para hindi magkatuluyan ang dalawa. Hindi ako makakapayag na hindi ako ang makakatuluyan ni Harry. "Excuse me." Kilala ko ang boses na 'yun. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kilalang-kilala ko pa rin siya.


Napatingin si Tito sa kanya kaya tumingin na din ako. Tama nga ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ginagawa niya dito?

[Aya's POV]

"Excuse me." Pumunta ako sa bahay ni Harry at hindi niya 'yun alam kasi hindi ko sinabi sa kanya. Isa pa, alam kong hindi niya talaga ako papayagan kapag malalaman niya.

Tumingin sa akin ang daddy niya at nakita ko na nandito pala si Trixia. Tinaasan niya ako ng kilay pero inirapan ko lang siya. Hindi ako pumunta dito para makipag-away sa kanya so she need to back off. I'm here to confront Harry's dad.

Lumapit ako sa kanila ng hindi man lang nakaramdam ng takot. Subukan lang nilang gawin ulit sa'kin 'yung ginawa nila dati, sasapakin ko talaga sila isa-isa. Hindi na ako magpapaapi pa. I will fight for Harry. Ipaglalaban ko siya kahit madami pa silang aangal. I love him so much and I know he also feel the same. "What are you doing here?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Trixia. Ano namang paki niya?



Tumingin ako kay Mr. Montefalcon. "I wanted to give it back to you." Nilahad ko ang card na binigay niya sa'kin. May laman itong kalahating milyon pero ni piso ay wala akong ginastos. Hindi niya ito inabot kaya nilagay ko nalang ito sa isang lamesa na nasa harapan niya. "Thank you, by the way for that money, but I don't need it." Tumalikod na ako sa kanila at lumakad na. Nakakainis kasi ang pagmumukha nila.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon