Chapter 14

1.5K 36 1
                                    

Chapter 14

[Aya’s POV]

Medyo problemado ako dahil sa nangyayari. E sino bang hindi mamomroblema sa gan’tong sitwasyon?

“Harry, wag mo akong pinagtritripan.” Sabi ko. Lunch time na ngayon at sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang makausap. Mabuti nga at pumayag siya kaya nandito kami sa likod ng school.

“I’m not.” Nakasandal siya sa wall at malamig na nakatitig sa’kin.

“Anong I’m not?” Kunot-noong tanong ko. “Nakakainis ka. Wag mo na akong ipapasundo sa kung sino mang driver, okay? Isa pa, joke lang ang sinabi ko kahapon. Ayokong maging boyfriend ka. You have a fiance at isipin mo naman ang mararamdaman niya.” Umalis na kaagad ako dun pagkatapos kong sabihin ‘yun.

*

Naglalakad na ako ngayon sa hallway para makalabas na, alangan namang lilipad e hindi naman ako si darna. “Iyan ang girlfriend ni Harry?”

“Oo daw e.”

Ang cheap niyang tingnan.”

“Bakit naman nagkasgusto si Harry sa kanya?”

“Baka ginayuma niya.”

Iyan ang maririnig mo sa dinadaanan ko. Nagbubulong-bulungan ang mga ito pero halata naman na nilalakasan nila ang mga boses nila para marinig ko.

Grabe! Ganyan ba talaga ang epekto sa kanila kapag taken na ang heartthrob nila? E ako nga hindi gusto ang nangyari sa akin e. Kung makapagsalita sila, akala mo kung sinong mga magaganda.

Wag kayong mag-alala, gagawin kong paksiw ‘yang si Harry Potter at isusubo ko diyan sa mga bunganga niyo para magsitahimik na ‘yang mga bibig niyong impakta.

At for your information lang sayo makapal ang make up! Ako? Gagayumahin si Harry Potter? Hahahaha, baka naman puputi na ‘yang buhok mo hindi ko talaga gagawin ‘yun.


Hanggang sa paglabas ko sa gate ay gano’n pa rin ang naririnig ko. Pinag-uusapan nila ako at ang sasama pa ng tingin nila sa’kin. Iniiripan ko lang sila kaya mas lalo silang nagalit sa akin. Ito lang ang sasabihin ko, wala akong pakialam.

Dahil sa mainit ang ulo ko, naisipan ko nalang pumunta sa isang dagat na pwede lang lakarin mula dito sa school. Ayoko munang umuwi.

Mabilis lang naman akong nakarating at hinubad ko kaagad ang sapatos ko saka naglakad sa buhangin. Binitbit ko lang ang sapatos at medyo nahirapan ako sa paglalakad dahil bumabaon ang mga paa ko sa buhangin. Nililipad pa ang palda ko sa malakas na hangin.

Konti lang ang taong nandito, may mga batang lumalangoy at may mga magkasintahan na tinatanaw ang sunset.

Ayokong umupo sa buhangin kaya naisipan kong maglakad papunta sa mga malalaking bato. Medyo malayo na ito sa mga tao kaya ang tanging naririnig ko nalang ngayon ay ang dagat na humahampas sa batong inuupuan ko. Huminga ako ng malalim at pumikit.

Sana pala hindi nalang ako nag-transfer sa PU. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sa’kin, nanatili nalang sana ako sa SHS.

Dumilat na ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni mama sa screen. “Ma?” Sinubukan kong pasayahin ang boses ko kaso ayaw ng utak ko.

“Oh! Bakit ang lungkot ng boses mo anak? Okay ka lang ba? May problema ba?”

“Wala po ma, pagod lang ako.” Kahit hindi ko nakikita, alam kong tumatango-tango siya na nagpapahiwatig na naniwala siya sa sinabi ko. “Nga pala ma, saan pala kayo umutang ng pera?” Hindi ko kasi natanong no'ng nasa hospital pa kami e. Gusto kong malaman para makatulog ako kay mama sa pagbayad, nang sa ganon ay makakauwi na siya dito.

“Sa mga Young, anak. Nagtratrabaho ako noon sa kanila bilang katulong at laking pasasalamat ko nga na pinahiram nila ako ng pera kahit hindi na ako nagtratrabaho sa kanila.

Para akong hinampas ng dagat at hindi makagalaw. Y-Young? Kina Trixia ba siya nakahiram ng pera? Naibaba ko kaagad ang cellphone ko nang magpaalam si mama.

Alam kaya ni Trixia na humiram ang mama ko sa kanila ng malaking pera? Hindi pa siguro kasi kung alam niya na ay sinabi niya na ‘yun sa’kin.

Nagulat naman ako nang may sumulpot na batang babae sa kinauupuan ko. Anong ginagawa nito dito? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at parang alam ko na kung bakit siya nandito.

Kaya naman pala napunta siya dito dahil naglalaro sila ng kanyang mga friends ng tago-taguan.

Bakit dito siya nagtatago e ang dilikado dito baka mahulog siya sa malalim na tubig.

“Bata....”

Mukhang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya kaya bigla siyang nawalan ng balanse dahilan upang mahulog siya. “Aah!” Sabay naming sigaw.

Teka anong gagawin ko? Namilog na ang mga mata ko na nakatingin sa batang ginagawa ang lahat para hindi malunod, para maiahon niya ang sarili niya.

Nasa’n na ba ang mga kasama niya?

Tumingin-tingin ako sa paligid pero bakit wala ng mga tao?

Isang babaeng nakaitim lang ang nakita ko pero mukhang wala siyang balak tulungan kami. Shit!

Mukhang hindi na kaya ng bata. Mukhang malulunod na talaga siya.

Tatalon ako e hindi naman ako marunong lumangoy.

Bahala na.

Tumalon ako at at parang kung may anong maalat na tubig ang pumasok sa ilong ko kaya hindi ako nakapaghinga ng mabuti. Pero kahit ganon, ginawa ko pa rin ang lahat para hindi malunod ang bata.

Hindi na ako makakahinga.

Pinipilit kong umahon pero ayaw talaga e. Hindi talaga ako marunong lumangoy.

Narinig kong umiiyak ang bata at nagmamakaawa na wag akong malunod.

“Ate, ate! Wag kang malunod. Natatakot ako!”

Ito ako ngayon sa ilalim ng tubig. Naghihintay na may tumulong kasi unti-unti na ‘kong lumulubog.


———————

(Edited)

~PaLaNgErTz

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon