Chapter 7

1.6K 36 0
                                    

Chapter 7

[Aya’s POV]

3:00 A.M. ng umaga. Ang dilim pa sa labas ngunit gising na ako. Pa’no ba kasi, hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip sa nangyari kahapon. Ang dami kong gustong itanong kay Jenny. Huhu. Damn this curiosity. Kainis! Lalaki ang mga eye bugs ko nito.

Humiga nalang ulit ako sa kama at kinuha ‘yung cellphone ko. Naisipan kong mag-facebook at madami namang online. Parang mga aswang din ‘tong mga friends ko ha. Gabi na gabi, online? Ay, oo nga pala. 3:00 A.M. kaya umaga na. Hay, ewan.


I'm just scrolling down and suddenly I saw Harry’s post. I didn't know that we're friends on Facebook.

Harry Louise Montefalcon

I don’t know why I am being like this.


Gusto kong mag-comment kaso magmumukha naman akong feeling close kaya hindi ko nalang tinuloy. Isa pa, ano naman ‘yung ico-comment ko? Ano ba kasi ang kahulugan ng post niya?

*

Hanggang ngayon ay naka-Facebook pa rin ako pero tapos naman na ako sa morning rituals ko so no need to worry about. Tumingin ako sa relo at shit! 6:58 na? Bakit hindi ko namalayan iyon?

Tumakbo ako sa may kalsada at pumara kaagad ng taxi. Hindi pa siya tuluyang nakahinto ay binuksan ko na kaagad ang pintuan at pumasok. “Saan po tayo ma’am?” Tanong ni manong driver.

“Sa Prince University.” Hingal na hingal kong sabi kay manong at bigla naman siyang napatingin sa’kin. May problema ba sa sinabi ko?

“Sigurado ka?” Tanong niya na ikinuot ng noo ko. Parang hindi siya naniniwala ha.

Umirap ako. “Manong, wag ka nalang magtanong, please? Bilisan mo nalang ang pagmamaneho.” Sabi ko at nakinig naman siya. Siguro hindi siya makapaniwala kasi hindi nanam ako nagsuot ng uniform ngayon. Ewan ko! Trip ko lang magsuot ng pants at t-shirt ngayon tapos sneakers. Nagsuot din ako ng ID para makapasok ako sa school. Nakalimutan kong sabihin na eche-check pa ito ng guard para papasukin ka.

Pagdating ko sa school ay tumakbo kaagad ako papunta sa classroom namin. Lagot! Nagsisimula na ang klase. Naadik ako sa FB. Huhuhu! Medyo matagal pa akong nakarating doon kasi medyo malayo din ‘yun ng konti. Kailangan mo pang dumaan sa mga classrooms ng mga lower grades.

Pagtapat ko ng pinto ay nagkatinginan kaagad ang lahat sa’kin. Tinaasan ko lang ng kilay ‘yung mga kaklase ko lalong-lalo na si Harry Potter. Napatingin din ako sa katabi niyang si Trixia Young na walang ganang nakatingin sa’kin. Tiningnan niya pa ‘yung suot ko at umirap, lugutin ko mata niya e. “And who do you think you are?” Taray, tinaasan pa ako ng kilay ni ma’am. Gusto ko siyang irapan pero mas pinili ko nalang manahimik. Wala rin naman akong mapapala kung gagawin ko ‘yun. Sanay na ako sa ganito kasi palagi naman akong nali-late sa dati kong school kaya hindi na ako nahihiya. Ang kapal naman ng mga pagmumukha nila kapag kahihiyan ko sila.

“Just let her to come in.” Biglang sabi ni Harry kaya napatingin kami ni ma’am sa kanya.

Mukha pang hindi sang-ayon si ma’am Maileen sa sinabi ni Harry kasi medyo kumunot ang noo niya. “O-Okay!” Grabe! Takot siya sa gagong ‘yan? Binalingan ulit ako ni ma’am ng tingin. “Ms. Aya, you may now take your sit!” Nakangiting sabi niya pero alam kong plastic ang ngiting ‘yun. Kahit maganda siya, ang sarap niya pa ring sunugin pero wag nalang dahil makakasira sa ozone layer. Ayoko na ako ang magiging dahilan na iinit ng sobra sa mundo.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon