Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Mia's P.O.V.
"Life is a ferris wheel, it goes up and down. But it continues."
Well, people say I'm a spoiled brat. They spread rumors about me, but I don't care. Bahala sila sa buhay nila. Buhay ko ito. I don't give a damn.
Since I entered high school, I studied at Saint Ford University. Isang sikat na paaralan dito sa amin sa Cavite. May boyfriend ako even though I'm still young. Hindi iyon alam nina Mommy at Daddy.
'Flying with your love, shining with your love, riding with your love
I feel like I'm on top of the world with your love
One hit with your love can't quit with your love so sick but so what
I feel like I'm on top of the world with your love...'Tinanggal ko ang aking left earphone at umupo sa malapit na bench. Uminom ako ng tubig mula sa water tumbler ko. Pinunasan ko ang aking pawis. Ilang minuto ay bumalik ako sa pag-jog dito sa subdivision.
Pagkatapos kong mag-jog ay umuwi na ako sa bahay. Pinatay ko ang music at nilapag ang aking earphones at phone sa side table ko. Kinuha ko ang tuwalya ko at naligo.
Pagkatapos kong mag-skincare ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining area. Kumain ako ng lunch mag-isa.
Niligpit ni Manang Karen ang aking pinagkainan nang matapos ako. Bumalik ako sa kwarto ko at nanood lang ng netflix.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at binuksan.
Fr: Honey
Magkita tayo mamayang 5:00pm sa park.Nag reply agad ako.
To: Honey
Ok sige Hon.1st anniversary namin ni Drake ngayon at usually sa gabi kami nagsi-celebrate. Masaya ako dahil nakasama ko siya ng matagal. Diba 'yan ang gusto natin? Ang maging masaya. Dahil pareho kami ng school palagi kaming magkasama at nagkikita. Sabay kaming nag-aaral tuwing may quiz at exam. This school year will be our 3rd year.
Tinignan ko ang orasan, 2:30 pa. May oras pa akong matulog, nag-set ako ng alarm at humiga agad ako sa bed ko at natulog.
Nagising ako nang tumunog ang alarm ko. Bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos sa sarili.
After a couple of minutes, nagsuot lang ako ng plain white t-shirt and high waisted pants, and with my favorite vans shoes na color grey at nagsuot ako ng necklace that can match my white t-shirt.
Excited na akong pumunta sa meeting place namin dahil gusto ko na siyang makita kasi this past few weeks sabi niya naging busy daw siya.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko. Yes, you read it right, may kotse na ako. My Dad's a business tycoon. Sikat ang Pereira Group sa ibang bansa at dito sa Philippines. Pinapayagan na akong mag-drive ng kotse. May student license naman na ako kahit 16 palang ako, si Dad kasi ang nag-asikaso ng papers ko at madali lang iyon dahil sikat ang aming company.
Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at inandar ko ang makina, nag-drive ako papunta sa meeting place namin.
Nag-park na ako at bumaba, tumingin ako sa paligid at nang makita ko siya sa bench na nakaupo, naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya at tinawag ko siya.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...