Chapter 46

189 4 0
                                    

"Happy first month of dating." Nakangiting sabi ni Adrian.



I laughed. "Wow, may counting talaga?"



"Oo naman. We should count that. Let's make it memorable, Mal." Natahimik ako. I just gave him a small smile.



Mabilis dumaan ang panahon. Lumipas ang ilang linggo at ito ang huling linggo ng September. Naging magaan ang mga araw ko kasama si Adrian. I am most comfortable whenever he's around.



Naging magkaibigan rin kami ng mga kaibigan ni Adrian and vice versa. We had so much fun with our deal. But I always reminded myself not to get attached.



Minsan nagbe-breakdown ako dahil stress sa acads at busy rin sa pag-prepare ng intramural, but I am thankful Adrian was always there to comfort me. Gaganapin ang instamurals sa September 30 hanggang October 3. Sana walang mangyayaring masama sa intramurals day.



Sumabay na ako kay Kuya papunta ng school. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na araw? What if may masamang mangyari? What if... I just shrugged it off.



Pagkarating namin ng school, nagpark na kami. Lumabas ako ng kotse at nag-inat ng katawan.



"Bisita ka sa booth namin, ha?" Sabi ni Kuya bago siya umalis.



Naglalakad ako palabas ng carpark nang makita ko si Adrian kakalabas niya lang ng kotse niya. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.



"Ano, tara?" Tumango naman siya at ni-lock ang car door niya.



Sabay kaming lumabas ng carpark. Naglakad kami papunta sa building namin. Inakbayan ako ni Adrian kaya napalingon ako sa kanya. He gave me a small smile.



"Punta ka sa booth namin mamaya, ah." Nakangiti kong sabi.



"Sure!" He ruffled my hair. "Busy ka mamaya sa mga booths niyo?"



Each year level, may tatlong booths na gagawin namin.



"Yup." Tumango ako.



We separated ways when we reached my floor. Kumaway ako sa kanya at ngumiti naman siya bago umakyat sa 4th floor. Pumasok na ako sa room at nakita ko si Sierra busy sa phone niya.
Kurt and Sierra are now best friends. They are in good-terms. Ewan ko kung nag-level up na ba sila.



"Busy natin dyan, ah." I teased. Napatalon siya sa gulat at hinampas ako sa braso.



"Baka pupunta sila mamaya sa booth natin dahil sinabihan ko si Adrian. Maybe, sasama 'yung mga loko."



"Seryoso ka, gurl?" Kinuha niya agad ang salamin niya sa bag. "Omg! Kailangan ko mag-retouch."



"Alam mo," Napatingin siya sa 'kin.  "Ang OA mo." Ngumisi ako bago ko siya iniwan sa seat niya.



Nilagay ko ang bag ko sa kabilang upuan bago umupo sa seat ko. Napabuntong-hininga ako. Wala kaming klase ngayon dahil sa preparation ng intramurals.



"Good morning, class. Just a short announcement."



Nagsibalikan at nagsitahimik ang mga estudyante.



"Today will be our preparation for our intramural, right?" Tumango kami. "We already prepared the booths for you. Ang gagawin niyo na lang ay mag-design kayo at gawan ng pangalan ang mga booths niyo. Is that clear?"



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon