Mia's P.O.V.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Bumangon ako at tinignan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko sa nakita ko.
Max Javier Calling...
Ano bang kailangan nito? Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Nagising yata kita, may sasabihin lang ako sa'yo."
"Oh, ano 'yun?" Sagot ko sa kanya.
"Ahm, kumusta ka na dyan?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Okay lang naman. Bakit?"
Ano bang sinasabi nito? Akala niya yata palagi na lang akong umiiyak, e-emote, at ano pa bang tawag dyan. Alam niya kasi ang nangyari sa akin.
"Wala, akala ko kasi umiiyak ka na dyan." Sabi na nga ba. Hays.
"Hindi na, 'no! Okay na okay na ako, nage-enjoy ako dito tsaka hindi naman nila ako pinapabayaan, so 'wag ka nang mag-aalala dyan. Okay? Oh, siya nga pala, ano 'yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, oo nga pala. Dadating na sila Mommy the day after tomorrow." Sagot niya.
"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Oo, at kailangan makauwi ka na bukas. Is that understood Alli?"
"Ho?! Opo sige, Kuya Max." Nasapo ko ang noo ko.
Ano ba ang gagawin nila dito? Importante kaya 'yun? Tss.
"Sige. Goodbye, mag-iingat ka dyan." At pinutol na niya ang tawag.
Nilagay ko ang phone ko sa side table at bumuntong-hininga. Tumingin naman ako sa kanila, tulog na tulog pa 'yung tatlo. Lumingon ako at tumingin sa clock, 5:30 PM na pala.
Grabe ang haba ng tulog namin baka dahil sa sobrang pagod kanina.Tumayo na ako at kinuha ang towel ko tsaka dumiretso sa banyo. Nang matapos akong maligo ay nagbihis na rin agad ako at inayos 'yung sarili ko.
Nagsuklay ako at naglagay ng moisturizer tapos face powder and liptint. Naglakad ako papunta sa kama ko at ginising si Sierra na siyang katabi ko sa pagtulog.
"Sierra, wake up na." Sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya.
"Mmm." Kinukusot niya ang kanyang mata. "Anong oras na?" Tanong niya at nakahiga pa rin siya.
"Quarter to six." Sabi ko. Agad naman siyang napabangon.
"Luh! Ang haba ng tulog natin."
"Pagod tayong lahat, eh. So, yeah napasarap ang tulog." Naglakad ako papunta sa bag ko at kinuha 'yung perfume ko at inispray ko iyon sa katawan ko.
Nakita ko naman na kinuha ni Sierra 'yung towel niya at dumiretso sa
banyo kaya ginising ko na rin sila."Diana, gising na." Sabi ko habang niyugyog ko siya. "Psst! Ruth, gising na." At niyugyog ko rin siya.
"Mmm. Ano ba maaga pa naman, oh. Bigyan mo pa ako ng 1 hour." Ani Diana.
"Wow ha! Gaga, quater to six na uy!" At niyugyog ko pa siya.
"Ano?!" Napabalikwas sila ng bangon at tumingin sa clock. Halos nanlaki 'yung mga mata nila.
"Sige na, Sierra is still taking a bath. Hintayin niyo siya, bababa muna ako para mag-order ng food natin for dinner." Sabi ko sa kanila tsaka kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...