Chapter 4

922 15 3
                                    

Bumangon ako at pinatay ang alarm ko. Tumingin ako sa orasan, 6:30 na. Tumayo ako at uminom ng tubig. Kinuha ko na 'yung towel ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis.


Naglagay ako ng moisturizer sa mukha ko at konting make-up. Nag spray rin ako ng perfume. 7 o'clock, nang matapos akong mag-ayos sa sarili ko.


"Girls, gumising na kayo." Nilapitan ko sila, isa-isa. "Hoy! Bangon na at mag-ayos ka na." Sabi ko kay Sierra.


"Anong oras tayo aalis?" Tanong niya ng gumising na siya, bumangon siya at uminom din ng tubig.


"9 o'clock, kaya mag-ayos ka na dyan at gisingin mo sila, ha? O-order lang ako ng food natin for breakfast." Sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang wallet ko tsaka lumabas.


Dumiretso ako sa elevator at naghintay bumukas ang pintuan ng elevator. Noong bumukas ang pinto, nagulat ako nang makita ko siya sa loob ng elevator habang may dalang maleta at backpack. Pumasok na ako bago magsara ang pinto.


"Hey, good morning." Bati niya sa akin.


"Mmm. Good morning." Bati ko rin sa kanya.


"Ikaw lang mag-isa, saan na 'yung mga kaibigan mo?" Tanong niya.


"Malamang, tulog pa rin. O-order lang ako for breakfast namin." Sagot ko.


"Sya nga pala, aalis na ako." Biglang sabi niya.


Share mo lang? Bakit pa ba niya sinabi iyon?


"Ah okay, kami rin pero mamaya pa 'yung byahe namin."


"Okay, mag-iingat kayo, ha." He gave me a smile.


"Mmm, ikaw din." Ngitian ko rin siya.


Sakto rin at tumunog na 'yung elevator at bumukas, lumabas na kami. Pumunta siya sa lobby at mag-check out na, ako naman pumunta sa restaurant. Um-order ako ng tapsilog, hotsilog at dalawang longsilog at kape.


Noong dumating na sila, kumain na rin kami. Syempre, nagkwentuhan kami.


"Umalis na si Blake, sabay kaming sumakay sa elevator." Kwento ko sa kanila.


"Ow? Sabay rin pala tayo ng araw aalis?" Patanong na sagot ni Ruth.


"Mmm. Ganon na nga."


Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa kwarto namin para mag-prepare sa mga damit at iba pa. After preparing, dumiretso kami sa lobby at pumunta sa front desk at nag-check out bago lumabas ng hotel at dumiretso sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko.


Nilagay namin 'yung mga gamit namin sa compartment. Nauna na silang pumasok sa kotse ko, habang ako ay nag-aayos pa rin sa mga gamit namin ay may nahagilap ako.


Tinignan ko ito at hindi nga ako nagkamali. Drake.


At ang masakit pa, may kasama siyang babae, kung tignan mo masayang-masaya sila sa isa't isa. Magkahawak-kamay sila, nagku-kuwentuhan at nagtawanan.


Tumingala ako para hindi pumatak ang mga luha ko. Tinignan ko sila kung saan ko sila nakita, pero wala na sila. Nagmamadali akong mag-ayos at sinara ang compartment tsaka ako pumasok sa driver's seat, ako ang magda-drive.


"Oh, anyare sayo, te? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Diana.


"Huh? Oo, okay lang ako." Sagot ko.


Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon