"Alli, hindi ka ba kakain?"
Napalingon ako sa pintuan ng balcony. Umiling ako kay Kuya.
"Tapos na po ako, kumain ako doon kila Adrian." Tumango naman siya.
Aalis na sana siya pero tinawag ko siya. Tinago ko ang hawak kong canned beer. Napalingon ako sa isa pang canned beer sa mesa. Tanga! Malalaman niya pa rin.
"Ah, Kuya, kumuha ako ng canned beer sa ref mo."
"Bakit, may problema ba?" Sabi na, eh. Napabuntong-hininga ako.
Umiling ako. "No, stress lang dami kasing pinapagawa sa school." I made an alibi.
Kumunot ang noo niya. "You sure?"
Mabilis akong tumango para makumbinsi siya.
"Thank you, Kuya." He smiled and ruffled my hair.
Pumasok na siya sa loob at sinara ang sliding door. Sumandal ako sa railings at agad ko itong nilagok. I shook my head. I don't want to overthink about it, pero bigla-bigla na lang itong pumapasok sa utak ko.
Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mga mata ko. Ang traydor ng luha ko. Napasinghal ako. Nananatili ako doon ng ilang oras at inubos ang dalawang beer bago pumasok sa kwarto ko.
Naligo agad ako at nag-skincare. Pagkatapos, nagbihis ako ng pantulog at binagsak ang katawan sa kama, nagtaklob ako ng kumot. Hindi pa rin tumawag si Adrian. Hindi ko maiwasang umiyak. Agad din akong nakatulog dahil sa pagod.
"Sierra!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Kumalas din agad ako.
"Parang hindi tayo nagkita kahapon, ah." Napairap ako sa sinabi niya.
Agad ko din niyakap si Diana at Ruth na bagong dating.
"Hindi makakasama sina Chris at Joanna. Umuwi sila ng Cebu." Sambit ni Diana nang kumalas ako sa pagkakayakap.
"Aw. Sayang naman."
"Let's just set another getaway after New Year kasama sila." Sagot ni Sierra.
Natuwa naman ako. I cling my arms to Sierra. "Ano pang hinihintay natin? Tara na?"
Nagtawanan kami at agad din pumasok ng kotse. Ang driver ni Sierra ang nagmamaneho para sa amin. Magpapaskuhan kaming apat sa Laiya Aplaya, Batangas.
Pagkarating namin, agad kaming nagtakbuhan sa buhanginan habang tumatawa. Nilagay namin ang mga gamit namin sa room na ni-rent ni Sierra. Para mas convenient daw.
Naghubad na kami ng damit at may bikini na kaming suot sa ilalalim.
Naligo kami sa dagat at nag-sun bathing kami.Nang matapos kaming maligo ay nagpasya na kaming kumain na rin ng lunch dito. Nananatili kami hanggang alas sais. Hindi kami mago-overnight dahil may flight pa ako bukas papuntang U.S.
Nagpaalam ako sa kanila pagkarating sa bahay ko. "Thank you! Merry Christmas. Ingat kayo. Mwua!"
Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakahanda na ang aking maleta at ibang gamit. Pumunta kami ng airport around 5:00 AM dahil 6:00 AM ang aming flight.
Nakikinig muna ako ng music habang naghihintay sa oras ng flight namin. Nag-text ako kay Adrian.
To: My Axe
Today is my flight, I'll be going na. I love you!
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...