Chapter 54

206 4 0
                                    

Hinila ko si Adrian papunta sa music shop. Kinuha ko ang headphones at isinuot ito sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Kinuha ko rin ang isa at isinuot ito. Hinawakan ko ang kamay niya at isinayaw siya.



'You're my sunshine after the rain You're the cure against my fear and my pain
'Cause I'm losing my mind when you're not around
It's all (It's all)
It's all because of you
You're my sunshine, oh yeah...'



Sinabayan namin ang rhythm ng music. He sweetly smiled at me. Napangiti ako nang makita ko siyang masaya. 



'Baby I really know by now
Since we met that day
You showed me the way
I felt it then you gave me love, I can't describe
How much I feel for you...'



Tinanggal niya ang suot niyang headphones at bigla niya akong hinalikan sa labi. Hinampas ko agad siya at tinanggal ang headphones.



"Ang PDA mo, love." Natawa kaming pareho.



"Sa 'yo lang." He smirked. I rolled my eyes and stifle a smile.



Nagpasya kaming kumain muna ng dinner bago umuwi ng bahay. Naghanap kami ng restaurant sa loob ng mall. Nang makahanap ay agad kaming pumasok at nag-order.



Sa kalagitnaan ng pag-kain namin may tumawag sa cellphone ni Adrian. Tinignan niya ako at tumango ako. Gumilid siya ng konti bago isinagot ang tawag.



"Hey, Aria. What's the matter?"



"O-okay, I'll be right there. I'll just finish my food."



Pinatay na niya ang tawag at dahan-dahan humarap sa pagkain niya. Biglang naging malalim ang paghinga niya.



"What's the problem?" Nakita ko ang pag-alanganin sa mukha niya.



"Just finish your food. I need to get home early."



Hindi na lang ako nagtanong at binilisan ang pag-kain. Sumulyap ako sa kanya halos hindi na niya ginalaw ang kanyang pagkain. Nang matapos ako, nagbayad agad siya tsaka kami umalis.



Hanggang sa paghatid niya sa akin sa bahay ay tahimik lang siya at malalim ang iniisip. I did not bother him anymore.



"I'll just call you later. Bye, I love you." Sambit niya.



Pagkasara ko ng car door agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.



Pumasok ako sa bahay na malalim ang iniisip. Anong problema? Bakit nagkaganoon siya? Nakita ko si Kuya na nasa dining area. Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa tapat niya. I mentally rolled my eyes. Sila pa rin pala? Akala ko brineak na ni Kuya Max ang babaeng 'yun.



"Alli, halika kain." Tumango ako.



"Tapos na po, Kuya."



Aalis na sana ako, pero tinawag ako ni Kuya. Pinanlakihan niya ako ng mata.



"Don't be so rude."



"Hi, Ate Amina." I forced a smile.



Tumayo ito at lumapit sa akin. Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko.



"I hope you will forgive me. I didn't mean to say that to you, Mia." Ngumiti siya. Napabuntong-hininga ako.



"Just call me, Alli." I gave her a small smile. "Welcome to the family. Please don't hurt my Kuya." Sumulyap ako kay Kuya Max at ngitian siya.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon