"Opo! I'm going down!"
Pumasok ako sa dining area namin. Nandoon na si Kuya, Si Mommy at si Daddy. Nag-aalmusal. Umupo ako sa tabi ni Kuya.
"How are your grades?" Tanong ni Daddy sa 'kin at sumisimsim sa kape niya.
"They are good, Dad." Confident ko pang sinabi iyon sa kanya. "Kahapon ko lang po nakita."
Nilahad niya 'yung kamay niya. Kinuha ko ang phone ko at in-open ang website ng students' portal bago ibinigay iyon kay Daddy.
Tinignan niya ito at nag-scroll pa. Nagpatuloy na lang ako sa pag-kain ko habang nakatingin kay Daddy naghihintay kung anong reaksyon niya.
"Hmm. That's great, my princess." Binigay niya sa 'kin ang phone ko. Nakahinga ako ng maluwag. "Keep it up." He smiled.
"Don't stress yourself, baby. I know you can do it. Just enjoy your life." Bumaling ako kay Mommy. She sweetly smiled at me, I gave back a smile.
"Sabay ka na sa 'kin, Alli. I'll wait for you outside." He ruffled my hair and stood up.
Sumimangot ako. Binilisan ko na ang pag-kain ko.
"Una na ako Dad and Mom." Humalik siya sa pisngi bago lumabas ng bahay.
Nang matapos kumain, nagpaalam na rin ako para umalis.
"Bye, Mommy, Daddy." I kissed their cheeks.
Pumunta muna ako sa bathroom bago lumabas ng bahay. Nakita ko si Kuya nakasandal sa kotse niya habang nagte-text.
"Uy, ano 'yan." Inirapan niya lang ako tsaka pumasok sa driver's seat.
Luh, parang siya 'yung may period sa aming dalawa, ah. Ang sungit. May tinatago 'yun eh. Malalaman ko rin 'yan. I smirked.
"Ano? Mala-late na tayo!" Binuksan ni Kuya ang pinto mula sa loob at sinigawan ako.
"Sino bang may period sa 'tin, ha?! Daig mo pa ang babaeng may regla. And who told you na sumabay ako sa 'yo?" Pumasok na ako sa loob ng kotse at umirap sa kanya.
Hindi na siya sumagot kaya padabog akong sumandal. I crossed my arms over my chest.
"Hey, you okay?" Hindi ko namalayan na lumapit pala si Sierra sa 'kin.
"Huh? Oo naman."
"You seemed a little off. May period ka ba ngayon?" Alam niya kaagad.
Tumango lang ako sa kanya.
"Anyway, mukhang wala na naman 'yung seatmate mo."
"Baka late lang 'yun. Tsaka ano bang paki ko doon?" Inis kong sabi. "Mabuti nga at wala 'yun. He's so intimidating." Umirap ako sa kawalan.
"Hey, relax," She chuckled. "Okay, sabi mo 'yan, ha. If wala siya you can tell me, so I can sit beside you. Para 'di ka magmukhang tanga diyan." She was laughing while going back to her seat.
Baka siya 'yung tanga. Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Bakit ba kasi napakainit ng ulo ko ngayon.
"Good morning, class." Bungad ni Ma'am Angeline sa 'min. Bumati kami pabalik.
"There will be an announcement today."
Agad nag-ingay ang mga kaklase ko. May iba nagbubulungan. Iba naman tahimik lang. Naghihintay at nakikinig.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...