Chapter 56

221 4 0
                                    

I don't know what happened. I can't understand why he treats me like this. But I try to understand him. I was looking out the car window.



Pagkarating namin sa bahay, agad akong pumasok at umakyat sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto. Dumiretso ako sa banyo at naligo.



Hinayaan ko ang tubig na pumatak sa aking katawan. Napahilamos ako ng mukha at yumuko. Naramdaman kong uminit ang paligid ng mga mata ko. Pumikit ako at dumaloy ang mainit na luha sa mukha ko.



Tinapos ko ang pagligo ko at lumabas ng shower. Nag-toothbrush na rin ako. Napatitig ako sa mirror ko at tinignan ang aking repleksyon habang nagsi-skincare. I forced a smile.



Pagkalabas ko ng bathroom ay nagbihis na ako ng night dress ko. Kinuha ko ang phone ko at humiga. Nag-open ako ng mga social media accounts ko.



M
@MiaAllison
What happened to you? Please let me understand.



Nag-open ako ng Instagram at nag-story ng picture ng bintana ko.



@miaalli: late night thoughts



Nagulat ako nang may new notification mula sa Instagram.



@blakeash: Matulog ka na.



@miaalli: Ba't ka napaDM?



@blakeash: Napadaan ako sa story mo. Good night, matulog ka na. Don't reply.



Nilagay ko na ang phone ko sa side table. Gaya ng sabi niya hindi na ako nag-reply sa kanya. Tumagilid ako paharap ng bintana at nagkumot.



Good night, My Axe.



Pagkagising ko, bumangon na ako. Wala akong ganang pumasok at pakiramdam ko ako 'yung naubos. Kumilos na ako dahil baka ma-late pa ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay kumain ako bago umalis. Dala ko ang kotse ko dahil nauna na si Kuya Max sa school.



Pagkaupo ko sa upuan ko, tumabi agad si Blake sa akin at umakbay.
Tinanggal ko ang braso niya. I glared at him.



He chuckled. "Why? What's wrong?"



"Do you know what you're doing?" I scoffed.



"Wala namang mali, ah?"



"Tss, you are crazy."



"Oo, sa iyo." Napalingon ako sa sinabi niya.



"What the hell are you saying!?" I exclaimed.



Lumingon ang mga classmates namin sa aming gawi.



"What's the problem, Miss Pereira?" Sambit ni Sir Brandy.



Hindi ko namalayan na may teacher na pala kami. Umiwas ako ng tingin.



"Sorry. Nothing, Sir."



Nagpatuloy sa pagtuturo si Sir. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Blake. I rolled my eyes.



Lunch time na at parang nalulungkot ako dahil wala si Adrian. Madalas, siya ang kasama ko kapag lunch. Sumabay ako sa mga kaibigan ko makipaglunch. Tahimik lang ako habang kumakain.



Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Pumunta ako sa parking area. Naramdaman kong may sumunod sa akin. Lumingon ako pero walang tao. Ipinagsawalang-bahala ko ito.



"Uwi ka na?"



Napatalon ako sa gulat nang tumabi si Blake sa akin habang binubuksan ko ang pinto ng sasakyan ko.



"Bwesit ka ah! Ba't ka ba nanggugulat!" Singhal ko. Sinamaan ko siya ng tingin.



"Wew! Calm down, Mia." Tumawa siya. "Tara, samahan kita."



"No, thanks. Uuwi na ako." Dali-dali akong pumasok. Ni-lock ko ang car door.



Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya. Nakita ko siya tumatawa habang paalis. Nababaliw na ba ang isang 'to?



Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa Gardens. Pagkarating ko ay bumaba na rin ako dala ang phone ko.



Napayakap ako dahil sinalubong ako ng malakas na hangin. Tinignan ko ang langit. Medyo madilim ang kalangitan at maulap. Umupo ako sa bench.



Tinignan ko ang phone ko at walang text or tawag galing kay Adrian. Napabuntong-hininga ako. Pumikit ako at biglang tumulo ang aking luha.
Hindi na niya ako tinatawagan nitong mga nakaraang araw.



Please, don't give up. I'll never slip away, babe.



A few days passed, today's the day of the burial. I attended the burial and I saw a lot of people mourning and grieving. I can't even imagine that this day would come.



I wiped my tears as I watched Adrian crying in front of the coffin. I don't have the strength to approach him. I am too weak. I hate what I am seeing. I hate burials. But, I have to attend.



Pumikit ako at nanatili sa upuan ko. Kinalabit ko si Kuya at nanghingi ng tubig. Parang nauubusan ako ng hininga. Uminom agad ako ng tubig at kinalma ang sarili ko.



I don't want to cause a commotion. The last time I attended a funeral, I fainted. I just don't like the atmosphere of being present in a funeral.



Niyakap ko si Adrian habang umiiyak siya at nakahandusay sa lupa. Pilit ko siyang pinapatayo, pero hindi ko kinaya ang bigat niya. Tumingin ako sa kabaong, dahan-dahan na itong bumaba sa lupa at nililibing. Umiwas agad ako ng tingin.



"Please, Adrian. Tumayo ka na dyan." Umiling ito.



Sa huli napilit ko siyang umupo sa upuan. I get hurt when I look at him. I can feel his anguish. I hugged him tightly and caressed his back. Palagi siyang umiiling. Kumalas ito at pilit magsalita.



"P-please, stay away. I-I don't want... to see you here. Leave." He sobbed.



Pilit kong binabalewala ang kanyang sinabi. Pero para itong palaso na tumutusok at tumatagos sa puso ko. I understand him.



Tumango ako at tumayo. I wiped my tears.



"I will never leave, but please, do me a favor. Huwag mong hayaan sirain ang sarili mo. I hope you do remember I am just here. Stay strong, babe. Remember that." Hinalikan ko ang noo niya bago umalis.



Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan tumulo ang mga luha ko.
Pinunasan ko ito bago pumasok sa loob ng kotse. Tinahak namin ang daan pauwi.



Kung wala akong pasok, nakakulong lang ako sa kwarto ko, lumalabas lang kapag kakain. I haven't heard Adrian in a while. Pero alam kong nagkukulong lang 'yun sa kwarto niya. Hindi niya rin ako minessage at tinawagan ng ilang araw.



He will just reply to me if I texted him first. I really want to go to him, but he might not like it. I thought about Anna, what if she's there for Adrian and I wasn't there at this time.



Aish! I wanna scream! I tried to understand him. Naghahalo na ang emosyon ko. I don't know what to do.



Malapit na rin ang monthsary namin, hindi ko alam kung maice-celebrate pa ba namin. I hope he still remembers it. Hindi ko maiwasang umiyak ulit. Ilang ulit pa ba akong iiyak?



Pansamantala lang ba ito? Again?

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon