Chapter 59

261 5 0
                                    

The wall began to shatter. I should've let my guard down. But if I were to choose again, it's still him. Because of him I feel peace.




Hanggang sa umalis siya ay nananatiling nakayuko ako. Inangat ko ang tingin ko nang mapansin ang kanyang sasakyan. Pinagmasdan ko ang pag-alis nito. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha sa pisngi ko.




I have no other wish, but to bring back yesterday where we were still together. Ang sakit lang, 'no? Dahil may mga bagay na wakasan.




Minsan naiisip ko kung sumpa ba ito o ito ay isang karma. Then I think that maybe I was designed to be alone in this world.




Hindi ko naisip na dadating pa ito sa akin. I assumed and expected too much. I was imprisoned. I was trapped and drowned in love.




Pinilit kong patahanin ang sarili ko. Wala na akong magagawa kundi panoorin siyang umalis at masaya sa iba.




Nakayukong naglalakad ako papunta sa kotse ko. I suddenly thought of getting into a car accident again. I shook my head. I started the engine and drove off to Sierra's house. Pagkarating ko ay nag-doorbell agad ako. Bumukas ang gate at bumungad sa akin ang kanilang guard. Nagtungo ako sa loob ng kusina kung saan si Sierra.




Niyakap ko siya ng mahigpit.




"Hey, what happened?" Humagulgol ako. "Hala, gurl. Tahan na."




"We broke up." Kumalas ako sa pagkakayakap.




"What? Why?"




"He said that he fell out of love. Gumising na lang siyang hindi na niya nararamdaman."




"What an asshole!" She hissed.




Pinainom niya ako ng tubig. Kanina pa ako umiiyak. For sure na dehydrated na ako. Pumasok kami sa kwarto niya. Umupo ako sa carpet ng kwarto niya. Tumabi naman siya.




"Ano? Tatawagan ko ba sila? Bar tayo?"




Mabilis akong umiling. "No. Wala akong gana. 'Di ko feel."




Tumango naman siya at tumahimik.




"Bakit mo kasi ginupitan 'yung picture niyo!"




"Sierra naman, eh!"




"Hehe. Sorry. Oo na, hindi iyon totoo." She chuckled. I rolled my eyes.




Pinunasan ko ang mga luha ko. Sumandal ako sa kama at tumingin sa kisame. Tumulo na naman ang luha ko. Irita kong pinunasan ito.




"Fuck!" I whispered.




Gusto kong magwala, pero magmukha akong bata. Pagtawanan pa ako ni Sierra. Naramdaman ko ang pagyakap ni Sierra. Tamad kong nilagay ang baba ko sa kanyang balikat. Hinimas niya ang likod ko at pinapatahan. But it got worst. Mas humagulgol ako dahil sa ginawa niya.




"Pagod na ako. I'm so exhausted."




"Just cry it all out until there are no tears left. You will be fine. I know you are brave, Mia."




Pumikit ako at hinayaan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang paghikbi ko.




Dito na ako kumain at natulog kila Sierra. Nagpaalam naman ako kay Kuya. Nandito na ako sa guest room at nakahiga habang nakatingin sa kisame. Napatingin ako sa cellphone ko at kinuha ito. Pinagmasdan ko ang mga apps sa phone ko. Dumako ang mga mata ko sa isang folder, may lamang dating apps. Iniisa kong binuksan ito at maraming message ang bumungad sa akin.




Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon