Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si Mommy at Daddy sa dining area. Nagbihis muna ako bago kumain. Wala pa si Kuya, baka may date pa 'yun.
Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa kwarto ko at naligo. Nagbihis na ako ng pantulog. Umupo ako sa kama ko at binuksan ang TV. Magne-netflix muna ako dahil 'di pa ako inaantok.
Kinuha ko rin ang laptop ko at sinend kay Blake ang copy ng mga photos.
To: Blake Ash
Ayan! Wala na akong utang sa 'yo ha. HAHAHA.Fr: Blake Ash
Goods!Pinagpatuloy ko ang panonood ng series. Nang biglang may nag-text sa 'kin. Kinuha ko ang phone ko at chineck.
Fr: play date Adi
Have a good night sleep.To: play date Adi
Wow, caring!Fr: play date Adi
Crazy.Natawa ako sa reply niya. Hindi na ako nag-reply at pinatay na ang TV. Agad din naman akong nakatulog.
Kinabukasan, pumasok ako ng maaga. Pagpasok ko ng classroom, nakita ko ang mga kaibigan ko at nakabilog sila. Lumapit ako sa kanila.
"Ano 'yan? What's the tea?" Agad akong umupo sa bakanteng upuan.
"I met someone on tinder! And he's so familiar!" Kinikilig na sabi ni Sierra.
"Galing! Lumalove-life ka na rin sa wakas!" Kantyaw ko.
She rolled her eyes. Kinuha ko ang cellphone niya. Tinignan ko ang sinabi niyang lalaki, nag-scroll ako sa IG feed ng lalaki.
"Hmm, familiar nga. I think nandito rin siya sa school?" Binalik ko ang cellphone niya.
"What? Really?" 'Di makapaniwalang tanong niya.
"Maybe. Tsaka just observed. Baka sa intramurals makikita mo or before that." I teased. Tinaasan ko siya ng kilay.
Nag-ring na ang bell at nagsimula na ang klase. Lectures lang ulit at may oral recitation.
"Tara, recess na tayo." Aya sa amin ni Ruth.
Lumabas na kami ng room at pumunta sa cafeteria. Pagkatapos namin bumili, umupo na kami sa table namin.
Napatingin ako sa entrance ng cafeteria nang magtilian ang mga babae.
"Oh my!" Napatakip ako ng bibig.
I held Sierra's arms and shook her.
"Gurl, siya 'yun diba?" Tumingin ako sa apat na lalaki na pumasok sa cafeteria.
"Omg! Shit!" Agad iniwas ni Sierra ang kanyang tingin sa apat at tinakpan ang bibig.
"Anong name?" Tanong ni Joanna.
"Kurt Navarro." She whispered.
"Woah! Good luck diyan, gurl!" Diana teased her.
Lumipas ang oras at Computer subject na namin. Nagkaroon ng activity at pinasa na ang project namin.
"I love your editing skills, Miss Pereira." Puri sa akin ni Sir.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...