Nagpasya kaming pumunta sa High Ropes. Pagkarating namin doon ay nagsuot kami ng harness. Excited pa si Chris na subukan ito. Nauna siyang umakyat sa high ropes. Sa kalagitnaan ay natawa kami kay Chris dahil hindi niya na kayanan.
"I give up! Nakakatakot! Ibaba niyo ako. Kamatyunon nako!" (Mamamatay na ako!)
Nirescue siya dahil na-stuck up siya sa itaas.
"Ikaw na po ang susunod, Ma'am." Sabi ng nagbabantay sa High Ropes.
Umakyat ako gamit ang rope nang makarating ako sa itaas nagpatuloy ako sa next rope. Nakatuwid naman ako, next ang may wooden plank na tatapakan.
Nang matapos ko ang lahat ng nasa High Rope nagpahinga muna ako.
Nagpaalam ako sa kanila."Guys, punta muna ako doon. Just wait for me here." Tsaka ako nagsimulang maglakad.
Pagkarating ko roon, nakita ko ang magandang tanawin. Makikita ang river sa ibaba, mga berdeng halaman, bundok at mga puno.
"Mukhang gusto mo talagang mapag-isa, ha." Napalingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko.
"Jonathan. Still remember me?" Biro pa niya.
"Sino bang hindi?" Biro ko rin.
"Sinong kasama mo dito?" Tanong ko.
"My family."
"Ah, bakit ka nandito? Asan ang pamilya mo?" Tanong ko habang lumilingon lingon
"Nasa resto. Kakatapos ko lang kumain kaya napag-isipan kong maglakad-lakad tsaka magpahangin muna. Napadpad ako rito nang makita kita." Aniya
"Wew! Memoryado mo na talaga ako. Eh, once pa tayo nagkita."
"Sa ganda mong 'yan hindi kita mapapansin."
Bulok na ang linyahang ganyan.
"Ewan ko sa 'yo." I rolled my eyes.
"Dyan ka na nga. Ginugulo mo lang ako. I just want to be alone, okay?" Sabi ko at iniwan ko na siya.
"Hey! I'm sorry... Sorry na!" Rinig kong sigaw niya.
Bahala ka dyan. Sigaw pa.
"Oh, ba't nakasimangot ka na?"
"Aish! May asungot doon."
"Eh?" React ni Joanna.
"Sino si Blake?" Tanong ni Ruth.
Umiling ako, "Si Jonathan. 'Yung sa bar na pinuntahan natin." Sagot ko.
"Wew." Si Diana.
"Kaloka. Ang haba ng hair." Mahinang sabi ni Chris.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila.
Hindi sila sumagot at nanahimik lang.
"Tara na. Punta na tayo sa next ride." Pag-iiba ni Sierra.
Kaya pumunta na kami kung saan ang Zorbit Ball. Ang Zorbit Ball ay isang malaking bola na transparent. Sa loob nito may dalawang papasok at isa-slide ang bola pababa.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...