Chapter 57

230 5 2
                                    

We thought love was perfect, but we were wrong in that concept. What is love really? Is that really so?



Adrian and I haven't seen each other for the past few days. I tried to be distracted. Tinuon ko ang pansin ko sa mga school works. I kept myself busy. Sometimes my friends and I would go out and go to the bar.



2 days left before our 6th monthsary.
I really miss him so much. Napatitig ako sa whiteboard. Hindi ko alam kung may natutunan ba ako sa discussion ngayon. Lumulutang ang utak ko.



Nabalik ako sa ulirat ko nang tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Hinila ko si Blake. Nagulat siya sa ginawa ko.



"Tara lunch." Nakita ko ang pagngisi niya.



Napagpasyahan namin na kumain na lang sa isa sa mga stall dito sa loob ng campus. Si Blake ang um-order ng pagkain namin. Umupo ako sa vacant na table at pinaglaruan ang kamay ko.



Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagbabaka-sakaling makita ko si Adrian, pero nabigo ako. Napayuko ako. Hinila ni Blake ang kanyang upuan at umupo sa tapat ko. Umangat ang tingin ko sa kanya.



"Hindi ko na kayo nakitang magkasama, ah." I glared at him.



Wrong move. Bakit nakipag-lunch pa ako sa kanya? Napabuntong-hininga ako.



"We are good. He's just busy."



"Okay, sabi mo 'yan."



Nang dumating na ang aming pagkain, sinimulan ko nang kumain. Napapitlag ako nang pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. Hinawi ko agad ito at sinamaan siya ng tingin.



"Do you think I can't do it?"



Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang bibig ko. Bigla akong nawalan ng gana.



"I need to go. May tatapusin pa ako." Tumayo ako. "Excuse me."



Iniwan ko si Blake doon sa stall at pumunta ako sa library. Binagsak ko ang gamit ko sa table. Pinagalitan pa ako dahil sa paggawa ko ng ingay. Napasabunot ako sa buhok ko.



Tinali ko ang buhok ko. Binuksan ko ang laptop ko at isinaksak ang earphones sa tenga ko. Nakikinig ako ng music habang nag-aaral. Nagsulat ako ng mga notes at naghi-highlight rin ako ng mga important words sa libro.



Habang nagbabasa ng libro napalingon ako sa upuan na katabi ko.



"It's almost lunch. Let's transfer to the gazebo."



Napangiti ako at tumulo ang luha ko. Naalala ko noong unang beses na magkasama kami sa library.



Pinunasan ko ang luha ko at agad niligpit ang gamit ko. Lumabas ako at dumiretso sa C.R. Nag-retouch ako bago bumalik sa classroom.



Nakinig lang ako ng lectures at nag-quiz kami pagkatapos. Ang ibang subjects lectures lang din. Sa last subject namin which is MAPEH, pumunta kami sa music studio.



Nag-set up sila ng maliit na stage para sa activity namin ngayon. Umupo ako sa bandang bintana. Tumingin ako sa labas at huminga ng malalim.



Napalingon ako nang magpalakpakan ang mga kaklase ko. Lumingon ako sa stage at nandoon si Blake na nagse-set up ng acoustic guitar. Umupo siya sa stool at sinimulan mag-strum.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon