Chapter 47

194 3 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Naririnig ko ang bawat patak ng segundo sa orasan. Hindi ako nakapagsalita at nakapagtanong dahil inaya na niya akong umuwi.



Now, I was left with many questions in my head.



Kinabukasan, late na ako na gising. Okay lang naman dahil intrams ngayon at call time namin ay 9:00.



Naligo na ako at nagbihis. I wore a crop top shirt and highwaisted jeans. I paired it with my black boots. Nagkuha ako ng bracelet at necklace at sinuot iyon. Kinuha ko ang hand bag bago bumaba.



Kumain ako ng breakfast at uminom ng gatas. Pagkatapos, sumabay na ako kay Kuya papunta sa school. Hindi kami nagkausap tungol doon sa girlfriend niya. Ayaw ko din mag-open ng topic 'no!



Pagkarating ko, bumaba ako ng kotse at naglakad paalis. Naririnig ko na ang napakalakas na tugtog sa paligid. Ibang mga booths ay nagsimula na. Tumingin ako sa kanila napakasaya ng mga mukha nila.



Hindi ko nakita si Adrian kaya dumiretso na ako sa booth namin. Nilapag ko ang bag ko at umupo doon. Ako ang in charge for 1 hour. Nagsimula nang dumating ang mga estudyante. May iilan na din na pumunta sa booth namin. Kinuha ko ang bayad ng isang freshman.



"Enjoy kayo!"



"Wow, bagay ka maging cashier, gurl. Dream job mo iyan, diba?" Tumawa siya ng malakas.



Kunwari akong tumingin sa likod niya. "Si Kurt, oh!" Turo ko pa. Nataranta naman siya kaya natawa ako.



"Gotcha!" I winked. Nag-finger gun gesture pa ako sa kanya. Padabog siyang lumabas ng booth kaya tawa ako ng tawa.



Marami na rin ang mga estudyanteng pumupunta sa booth at naging busy ako sa pagtanggap ng bayad at pagsukli.



Pagkatapos ng oras ko, naglibot-libot muna ako. Tinawag ako ng isang volleyball coach at pinasali sa section ko. Nagpaalam muna ako at nagbihis ng sports wear. Mabuti na lang nagbilin ako ng sports wear sa locker ko.



Dumiretso na ako pagkatapos kong magbihis, nilagay ko muna ang bag ko sa locker. Tinali ko ang buhok ko sa ponytail habang nakikinig sa instructions na binigay sa amin. Nag-warm up muna kami.



"Balita ko kayo na ni Adrian." Napalingon ako kay Fiona, class president namin.



"Huh? Saan mo naman nakuha ang chismis na iyan?" Nagtatakang tanong ko.



"Hmm, narinig ko lang. Tsaka palagi naman kayo magkasama."



"Ano? Friends lang kami." Tumawa ako.



"Di mo sure." Bulong niya.



"Ano?" She shook her head. Hinayaan ko na rin siya.



Pumwesto na kami sa aming sariling posisyon. Nag-inat pa ako ng katawan. Ang kalaban namin ngayon ay 4th year. Lumilinga-linga pa ako sa paligid dahil baka makita ko si Adrian, pero nabigo ako. Sumimangot ako.



Nagsimula na ang game at ang unang magse-serve ay ang 4th year. Pumito na ang referee. Naghanda ako at tinignan ng maayos ang bola.



Nasa left side ang puwesto ko at outside hitter ako. Tinignan ko ang bola at papunta ito sa gitna. Nang natamaan niya ito napunta ito sa labas kaya dali-dali akong tumakbo. Nakuha ko iyon at pumasok sa kabila.



Yes! Bumalik agad ako sa puwesto ko at naghanda sa susunod na papasok dito sa amin ang bola. Hindi nakuha ng right hitter namin.



"Line ball!" Sigaw ng referee.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon