"Saan naman punta natin?" Tanong ko kay Blake habang ngumunguya. Nandito kaming dalawa sa cafeteria.
"Enchanted Kingdom?" Suhestiyon niya.
Umiling ako. "Ayaw ko dun."
"Bakit naman?"
"Basta. Sa iba na lang."
Bigla siyang napahinto sa pagsasalita. Tila may iniisip.
"Sa Mal-"
"Nope." I cut him off.
"Ako na nga lang. Sa Garden tayo. 'Wag ka nang magtanong."
Tumango naman siya. "May kotse ka bang dala ngayon?"
"Wala. Kotse mo na lang." Casual kong sagot. Pinagpatuloy ko ang pag-kain ko.
"Hmm, Alam mo ba na irita ako sa lalaking kasama ko kahapon. Jusko nakakasira ng beauty." Ngumunguya kong sabi habang nilalaro ang tinidor kong hawak.
"Bakit ba kasi hindi na lang ako." May binubulong siya at hindi ko iyon masyadong narinig.
"What did you say?" My brows furrowed.
Natigilan ito, pero bigla siyang tumikhim. "Bakit? Teka, saan mo ba siya nakilala?"
Ako naman ngayon ang natigilan dahil sa tanong niya.
"Sshh! 'Wag mong sabihin sa kanila." Lumilinga-linga pa ako. "Sa dating app." Pagpatuloy ko.
Nasamid siya sa iniinom niyang juice. Natawa ako sa kanya.
"Ano? Baliw ka ba? Baka may mangyari sa 'yo kung may meet ups kayo o kung an-"
Kumunot ang noo ko. "Ba't parang nag-aalala ka?"
"A-ah, hindi ah. Natural, babae ka kung mapano ka niyan."
Pinangkinitan ko siya ng mata. "Don't worry about me. I can handle myself." Nag-wink pa ako sa kanya.
Nakita kong natahimik siya. I chuckled.
"Oh, bakit nauna kayo rito." Kadadating lang ng mga kaibigan ko.
"Wala may pinag-usapan lang. May lakad kasi kami mamaya." Ako na ang sumagot. Tinignan ko siya, umiwas siya ng tingin.
"Date?" Agad na tanong ni Chris.
Mahina kong hinampas ang kanyang braso. "Ano? Hindi, 'no!" Psh!
Narinig kong tumawa si Chris kaya inirapan ko siya. Pumasok na kami ng classroom nang mag-ring ang bell. Sinubukan kong mag-focus at nakinig ng lecture dahil may quiz pagkatapos.
Lumingon ako sa tabi ko."'Di siya pumasok?" Bulong ko.
Why am I thinking about him? I shrugged it off. Napalingon ako sa gawi ni Blake dahil nakita kong nakatingin siya sa 'kin. Ngitian ko siya. Umiwas siya ng tingin.
Nakinig na lang ako at tinuon ang pansin sa nagsasalita na teacher namin. Pagkatapos ng quiz, ay nagkagulo ang mga estudyante. Ganyan naman, eh. Pagkatapos ng quiz or seatwork ang gulo-gulo. Magtatanong kung ilan ang nakuha mong score. Kung ano ang wrong at tamang sagot.
Lumipas ang oras at last period na ngayon. Math subject. Nagkaroon kami ng group activity. Maayos naman ang kalalabasan ng activity kaya masaya kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...