Chapter 23

393 7 1
                                    

Bumangon ako mula sa kama ko at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako at nag-spray ng perfume tsaka naglagay ng moisturizer at liptint.


Bumaba na ako at pumunta sa dining area. Nandoon na si Mommy at Daddy, pero wala pa si Kuya.


"Good morning, baby." Bati ni Mommy.


"Good morning, Mom." Tsaka humalik sa pisngi niya.


"Good morning, Dad." Bati ko rin at humalik sa pingi.


"Good morning, bunso." Sagot ni Dad sabay baba sa magazine na binabasa niya.


"Good morning, hija. Kumain ka na at baka ma-late ka." Sabi ni Manang sabay lapag ng mga pagkain sa lamesa.


Sinimulan ko nang kumuha ng hotdog at bacon at nilagay ito sa plato ko.


Nilapag ni Manang ang gatas ko. "Salamat Manang." At ngumiti siya.


"Mom? Nasaan nga pala si Kuya?" Biglang tanong ko.


"He went to school early, baby. Ewan ko doon ang aga niyang umalis." Sagot ni Mommy.


"Aish, akala ko na-late lang ng gising."
Ipinagpatuloy ko na ang pag-kain ko.


"Ah, Dad? Pwede po bang ako ang magmamaneho papunta sa school ko? Dadalhin ko ang kotse ko." I asked permission.


"Sure, bunso. Basta mag-iingat ka. Okay?" Sagot ni Dad.


Ngumiti ako "Syempre naman, Dad."


"Just make sure you will be safe. Wear seatbelt. And don't forget to call me when you get there." Si Mom."


"Okay, Mom. Promise." Sagot ko.
Tinapos ko na ang pagkain ko.


Tumayo na ako tsaka nagpaalam sa kanila. Pumasok na ako sa kotse ko at inayos ang bag ko sa katabi kong upuan. Kinuha ko ang breath spray at nag-spray sa loob ng bibig ko.


Bumusina ako at umalis na.
Pumasok ako sa parking area ng school. Nakita ko ang kotse ni Kuya Max.


Good may bakante. Nag-park ako sa bakanteng space na katabi lang sa kotse ni Kuya. Pinatay ko na ang makina at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako sa kotse ko at sinara ang pinto ng sasakyan.


Naglakad na ako at may napansin akong pamilyar na kotse sa katabi ng kotse ni Kuya, left side nito. Pinagitnaan namin ang kotse ni Kuya.
Pinagmasdan ko ang kotse. Itim na Mazda.


Saan ko nga ba ito nakita?


"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?"


"Pucha naman Diana. Ba't ka ba nanggugulat." Singhal ko kay Diana.


Natawa siya sa reaction ko. Aba'y tinawanan pa ako.


"Malay ko bang magulat ka. Ano ba kasing ginagawa mo dyan? Ah, alam ko na! Gusto mo 'yang sasakyan na 'yan, 'no? Magpabili ka na lang sa Daddy mo. Ang yaman mo kaya." Mahabang sabi ni Diana.


"Psh! Baliw hindi, 'no. Tara na nga." Nagsimula na akong maglakad.


"Uy! Wait for me." At dali-dali siyang sumunod sa'kin.


Tinawagan ko muna si Mommy bago ako pumasok sa loob ng classroom.


"Hello, Mom? I arrived safely." Bungad ko


Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon