Chapter 25

359 7 0
                                    

Namamaga ang aking mga mata paggising ko. Naghilamos muna ako para hindi nila mahahalata bago bumaba. Dumiretso ako sa dining area. Ngumiti sila nang makita nila ako.



"Good morning, anak. Have your breakfast na." Sabi ni Dad sabay tiklop sa kanyang binabasa na magazine.



Humalik ako sa pisngi ni Dad pati na rin kay Mommy.



"Are you okay, baby?" Tanong ni Mommy.



Tumango lang ako at pilit ngumiti.
Sinimulan ko na ang pag-kain ng pancake. Nilapag naman ni Manang ang milk ko.



"This past few days ganyan ka na. Anong nangyari?" Si Dad.



"Hmm... wala 'to, Dad. Okay lang ako." I assured.



"Good morning, beautiful ladies and handsome man!" Masiglang bati ni Kuya pagkababa niya.



Lumingon ako sa kanya. "Buti nandito ka na." At binalik ang atensyon sa pagkain ko.



"Ay, ba't ganito ang atmosphere dito?" Aniya.



"Just sit down, Max." Si Dad.


Ginulo muna ni Kuya ang buhok ko bago umupo sa tabi ko.
Aish! Nakasanayan na talaga niya iyon. Sumimangot ako lalo.



"Max, what happened to your sister nowadays?" Si Mom.



"Eh, bakit? Anong nangyari sa 'yo, 'lil sis?" Baling niya sa 'kin.



"Tanungin mo ang sarili mo." Pabalang na sagot ko at nagpatuloy sa pag-kain.



Parang bigla niyang naaalala kaya napakamot siya sa kanyang ulo.



"Ah, eh. Hehe. Okay lang 'yan si Mia, Mom."



"Tell us the truth, anak." Sagot naman ni Mommy.



"Pag-usapan natin ito mamaya. Mala-late na kami." Hinila niya ako kaya dali-dali akong uminom ng tubig at kinuha ang bag ko.



"Kuya naman, eh. Kumakain pa ako." Reklamo ko pagkapasok ko sa loob ng kotse ni Kuya.



"Para naman makaiwas tayo doon." Sabi niya at inandar na ang sasakyan at tinahak na ang daan patungo sa school.



"Good morning, yots. Okay ka na ba?" Bungad sa 'kin ni Chris.



Ngumiti ako sa kanya. "Morning." At nagkibit-balikat.



"Magiging okay ang lahat." Sabi niya. Kaya tumango ako.



Nagsimula na ang first period which is Filipino. Nakinig naman kami sa lecture.



"Higit na matalino si Juan kaysa kay Jose. Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?"



Nakatulala ako. Di ko na marinig kung anong sinasabi ni Sir. 'Di ko pa rin tanggap.



"MISS PEREIRA! I'm asking you! Are you even listening to our lecture today?" Napakurap ako.



Tumayo ako. Tinignan ko sila isa-isa, nakatingin sila sa 'kin.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon