Chapter 45

198 6 1
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ko. Nag-inat ako ng konti dahil ang sakit ng katawan ko. Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng ulo ko.



Pumasok ako ng banyo, nagpasya akong mag-half bath na lang dahil masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos, nagbihis agad ako ng uniform. Tinali ko sa ponytail ang buhok ko at nag-liptint na lang. Nag-spray rin ako ng perfume.



"Achoo!" I sneezed.



Kumuha ako ng panyo at nilagay sa bag ko. Bumaba na ako at pumunta sa dining area. Nilapag ni Manang ang gatas ko 



"Manang, hingi ako ng biogesic."



Napakunot ang noo niya. Lumapit naman siya sa 'kin. Idinikit niya ang kamay niya sa noo ko.



"Medyo mainit ka, hija. Teka, kuhanin kita ng gamot." Umalis naman si Manang.



Sinimulan ko na ang pag-kain. Inubos ko rin ang gatas ko.



"Huwag ka na lang kaya pumasok, may sakit ka?" Nag-aalalang tanong ni Manang.



Uminom ako ng gamot at uminom ng tubig pagkatapos.



"I'll be fine, Manang." I assured. "Magpapahatid na lang ako kay Manong Lucio.



Nagpaalam na ako kay Manang at umalis na. Nagpahatid ako kay Manong sa school.



"Salamat po." Lumabas na ako.



Pumunta ako ng cafeteria at bumili ng lemonade bago pumasok ng room.



"Namumutla ka. Are you okay?" Agad lumapit si Sierra sa akin pagkapasok ko.



"Yup, medyo masama lang ang pakiramdam ko. Pero keri naman." I chuckled.



"Sure ka, ah? I can go with you sa clinic."



"I'm fine. Don't worry uminom naman na ako ng gamot." I assured.



Tumango naman siya at pumunta na sa seat niya. Umupo naman agad si Blake sa tabi ko.



"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Blake. Idinikit niya ang palad niya sa noo ko. "Mainit ka."



"Yes, I'm okay. Uminom na ako ng gamot." Ngumiti na ako sa kanya.



Nagsimula na ang klase and everything went fine so far. Nag-participate rin ako sa mga activities namin.



Sa susunod naming subject naglaro lang kami. Nag-form kami ng malaking circle at nagsiyahan sa classroom.



"Siopai--" Nagkamali si Chris kaya nagtawanan ang lahat. Ang iba humugalpak pa sa tawa.



Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, napahawak ako sa ulo ko.



"Hey, Mia. Okay ka lang?" Agad napansin iyon ni Ruth na siyang katabi ko sa circle.



"Yes, I'm fin--" I vision began to blur. I am breathing heavily.



"Mia!"



"Hala, Si Mia!" Iyan ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.



Minulat ko ang mga mata ko at agad bumungad sa akin ang puting kisame. Napahawak ako sa ulo ko. May lumapit agad sa akin.



"Mia, okay ka na ba?" Tanong ni Blake. Tumango na lang ako.



"Hey, Mia. I think you should go home muna." Si Diana.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon