Mia's P.O.V.
"Hinding-hindi na kita iiwan."
"Mia!" Napabangon ako.
Ano ba naman 'yun. Nananaginip pa ako.
"Mia! Bumangon ka na, nandito ang mga kaibigan mo."
Napakamot ako sa ulo ko. Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo. Lumabas na ako at kumuha ng damit sa closet ko.
Nagbihis na ako at naglagay ng konting make-up. My everyday look. Kinuha ko ang phone, wire at powerbank ko at wallet at nilagay ito sa sling bag. Nag-spray ng perfume at bumaba na."Oh, saan punta natin?" Tanong ko sa kanila.
"Yots. Ba't 'yan lang ang dala mo?" Tanong ni Chris.
"Eh, ano pa ba dapat?"
"Gaga! Pupunta tayo ng Cebu dali na at mag-impake kana."
"Oh my! Really?" Excited kong sagot.
Pero agad itong napalitan ng simangot dahil naalala ko si Mommy baka di ako payagan.
"Lokarets! Anong sinisimangot-simangot mo diyan?"
"Eh, baka kasi di ako paya–"
"'Wag ka nang mag-alala okay na!" Nakangiti niyang sagot. Kaya dali-dali akong umakyat pabalik sa kwarto ko.
Kinuha ko ang maleta ko at nilagyan ng mga damit at personal things ko.
"Shorts check! Jeans check! Undergarments check! T-shirt and blouse check! Dress check! Shoes check! Sandals check! Make-up kit check! Personal things check! Alright all check! Ready to go."
Bumaba na ako dala ang maleta ko at sinakay ito sa compartment ng sasakyan na gagamitin namin.
"Bye Mommy at Daddy." Humalik ako sa pisngi ni Mom at Dad at niyakap sila.
"Mag-iingat ka doon, ah? Wala ako doon para bantayan ka."
Niyakap ko si Kuya. "Kuya naman, mag-iingat ako 'wag kang mag-alala."
"Tatawagan mo kami, ha?" Sabi ni Dad.
"Opo Dad."
"Alis na po ako, Mom and Dad. Kuya ba-bye."
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ni Sierra.
"Anong date ngayon?" Tanong ko.
"July 8 bakit?"
"Oh my! Pwede bang bukas na lang tayo aalis?"
"Oh, bakit may problema ba?"
"Eh, kasi may panunoorin akong performance."
"Eh, sino? Saan?"
"Kaibigan ko basta sa Booze Bar."
"Ah, Dry Lyrical? 'Yung drummer nila?" Tumango ako.
"O sige. Matutulog na lang tayo sa isang hotel tapos bukas alis na tayo."
"Nice."
Maaga pa naman so gumala muna kami. Nandito kami sa mall ngayon namili ng mga damit at ano pa.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...