Chapter 31

313 6 0
                                    

Sierra's P.O.V.


"Eh, 'yan naman ang totoo, Mia. Hindi kami ma-iinis sa 'yo kung hindi ka sumama sa kan--"



"Hindi niyo kasi alam kung anong nararamdaman ko! Tama na, please. Namemersonal na kayo!"



Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mia at humihikbi. Ang sakit, pero kailangan ko itong gawin. Agad siyang tumakbo papalayo. Nakonsensya ako, hindi ganito ang pinaplano ko.



"Okay lang ba siya?" Naririnig ko ang guilt sa boses ni Diana.



"Gosh, napasobra tayo." Ani Ruth.



"It's okay, girls. Ako bahala doon. Basta successful lang ang ating plan, okay? Galingan niyo sa pag-acting."



Nagpasya kaming pumasok na sa room namin. Hindi namin pinansin si Mia. Lumipas ang ilang oras, at last period na ngayon. Natuwa naman ako dahil nagkaroon ng group activity sa Computer subject.



Nag-form kami ng circle at nakita ko si Mia na nakayukong naglakad. Hindi ko siya pinansin hanggang sa maupo na ito sa upuan niya. Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam si Mia na lumabas.



Nang makita kong nakalabas na si Mia, huminga ako ng malalim. Binalot kami ng katahimikan hanggang sa magsalita si Blake.



"Naga-away ba kayo?" Clueless na tanong ni Blake sa 'min.



This will be exciting. Agad kaming umiling sa tanong niya. Tumikhim ako bago nagsalita.



"Eh, kasi birthday ni Mia ngayon. Inaway namin siya, of course just for a show. So nagplano kami girls."



"Alam na ito ng Kuya ni Mia. Magdadala kami ng banner at balloons. Ikaw." Bumaling ako kay Blake. "Blake, ikaw ang magdadala sa camera. Documentary, okay? Video every detail, basta ikaw na bahala dyan. We trust you."



Nang mag-ring ang bell ay agad kami nag-ayos ng mga gamit namin. Dumating naman si Mia at lumabas na kami. Pinaiwan namin Si Blake. Nauna na kami sa parking area at hinintay lang namin siya.



Dumiretso kami sa bahay ni Mia at sinalubong kami ng magulang niya. Nag-prepare kami para sa surprise namin kay Mia. Nang matapos kami at pumwesto na kami.



After a couple of minutes, we heard the gate closed. We prepared and waited for her to come inside.



Nang bumukas ang pinto, sabay-sabay kaming binati siya.



"HAPPY BIRTHDAY, MIA ALLISON!"



Nagulat si Mia sa pagsigaw namin. Nakita kong tumulo ang kanyang luha. Natuwa ako sa dahil successful ang aming surprise.



Ngumiti kami sa kanya. Pinagmasdan niya kami isa-isa. Lumapit siya sa amin at niyakap kami.



"Akala ko nakalimutan niyo na." Pinunasan ni Mia ang pisngi niya.



"Walang nakalimot, Alli." Her Dad said.



Nang matapos kaming kumain, pumunta kami sa garden lawn.



Habang naggigitara si Ruth, ang iba naman busy paring ngumunguya at tinawanan namin si Mia dahil hanggang ngayon umiiyak pa rin na parang bata.



"I hate you, guys." Mahinang sambit niya.



"At least naging successful ang aming surprise birthday para sa 'yo." Ani Diana at nagpout naman si Mia.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon