Sierra's P.O.V.
"Okay ka lang?" Tanong ni Diana kay Mia.
Pinunasan niya ang kanyang luha at tumawa ito ng sarkastiko.
"Ano ka ba. Okay lang ako, 'no! Matibay 'to." Humihikbi niyang sabi habang pinapakita ang muscles niya sa braso. "Alam niyo? Ang galing ko talagang um-acting. Napaluha ako ng 'di oras." She laughed sarcastically.
"Mia, tahan na." Sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya.
"Okay nga lang ako sabi, diba? Ngumingiting sabi niya.
Naaawa na ako kay Mia. Halatang hindi pa siya nakakamove-on kay Drake. Bwesit talaga si Drake. Hinayaan lang saktan, 'di man lang naawa sa kanyang ginawa.
Naghilamos ito ng mukha at nagpunas ng panyo niya. "Tara? I'm good." Nakangiting tugon niya.
Naglakad na kami sa hallway nang may dumaan na babae sa gilid ko at nagkabangga kami. "Ano ba!" Sigaw niya.
Teka, si Cassandra 'to, ah classmate namin. Ba't ang familiar niya?
Napairap na lang ako at nilampasan siya. Bahala siya dyan. Maldita.
Nagpasya akong pumunta kami doon sa tambayan namin. Nandito kami ngayon sa likod ng campus kung saan mapayapa dito. May trees at may maliit na garden. Minsan dito tumatambay ang mga estudyante kapag may problema sila dahil sa lugar na ito mawawala saglit ang stress.
"Sorry, girls. Kung napahiya ko kayo dahil sa ginawa ko." Paumanhin ni Mia.
"Huh? Wala 'yun." Sagot ni Ruth.
"Okay lang sa amin 'yun. At least nandito kami sa tabi mo at hindi ka namin pababayaan." Nakangiting sabi ko.
"Group hug!" Masayang tugon ni Diana.
Sa aming apat, si Diana ang pinakamahilig sa yakap. Pero at least mababawasan ang lungkot o sakit na aming nararamdaman dahil sa yakap namin sa isa't-isa.
Bumalik na kami sa room nang mahimasmasan na si Mia. Pagkarating namin sa room ay sinalubong agad kami ni Blake.
"Kamusta na siya?" Nag-aalala niyang tanong.
Tumango lang kami tsaka sila iniwan para mag-usap. Nakita kong hinila siya ni Blake palabas.
Umupo kami sa 'ming upuan at naghihintay ng lunch break. Lumilingon lingon ako at pinagmasdan ang aking mga kaklase. I am fan of observing people. This is what I usually do especially if it's first day of school.
I felt weird nang maramdaman kong may tumitingin sa 'kin mula sa malayo. Napalingon ako doon at nakita ko si Cassandra, nakaupo habang naka-crossed legs. Nakita ko ang pag-smirk niya. Napatingin ako sa iba kong kaklase.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...