"Kumusta ba exams mo anak?" Tanong ni Dad.
Hindi agad ako nakasagot.
"Hmm, di ko pa alam eh di pa namin nakuha yung results Dad. Hehe"
Matapos kong kumain at maghanda para sa school, naglakad na ako palabas.
"Mommy, Daddy alis na po ako!" Paalam ko.
"Okay, 'lil princess do well!" Si Dad. Ngumiti ako sa kanya.
"Sige, anak! Mag-iingat ka, ah." Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa kusina.
"Opo!"
Pumasok na ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Nang makarating ako sa school, pinark ko agad ang kotse at kinuha ang bag ko tsaka lumabas.
Dumaan muna ako ng cafeteria para bumili ng milktea. Nakita kong papasok si Chris kaya kumaway ako sa kanya. Lumapit siya at binati ako.
"Ano, sabay na tayo?" Tanong ko rito.
"Okay, yots."
Bago kami umalis bumili muna siya ng drink. Tsaka kami nagtungo sa classroom namin.
"Kumusta na kaya 'yung exams ko?"
"Ano kaya nangyari bagsak ba ako? Huhu"
Iyan ang naririnig ko pagkapasok ko ng room. Bakit ba sila balisang-balisa.
Binati ko ang mga kaibigan ko. Ang ipinagtaka ko ay iba na 'yung seating arrangement, pero umupo pa rin ako sa dati kong upuan dahil nakita ko ang mga kaibigan ko na doon rin umupo.
"Ba't ang iingay nila? Last week pa 'yung exam, ah. di pa sila nakakamove-on?" Takang tanong ko.
"Ang hirap mo ngang mag-move on." Si Sierra
"Ay, walang personalan, gurl! Tsaka hello! I'm dating many guys." I rolled my eyes. Nagtawanan kami.
"Di mo ba alam? Ngayon kasi ang results ng exam and grades natin." Ani Ruth
"Ano?! Sigurado ba kayo? Bakit outdated ako."
"Kaya ayon 'yung iba balisang-balisa sa kanilang exams or grades" Si Diana.
May lumapit sa kinaroroonan ko.
"Excuse me, that's my seat." Ani Fiona. "Nag-iba ng seat plan si Ma'am, dun ka na sa dulo sa may bintana."
Aish! Napadabog ako. Agang-aga naman badtrip agad!
"Ay, pati seating arrangement iba at outdated ako." Nasabi ko. Natawa ang mga kaibigan ko.
Pumunta ako sa may dulo at umupo sa bagong seat ko. Bwesit naman! Napakalayo ko. Tumingin ako sa katabi kong upuan. May katabi pa ako sino naman kaya. Bag niya lang kasi ang nandito, kulay black na may pagkagrey.
Di naman siguro kay Blake ito diba. Lumilinga-linga ako sa paligid at nakita ko si Blake na nasa kabilang side, nasa third row. Ba't ba napunta ako sa last row. Kainis!
~KRINGG!~ ~KRINGG!~
Nagsilabasan na ang mga estudyante para sa flag ceromony. Pagkatapos ng flag ceremony, may announcement ang Headmaster.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...