Naalimpungutan ako nang may marinig akong katok sa pinto ko. Nagtaklob ako ng kumot at pilit bumalik sa pagtulog. Noong hindi na ako makatulog bumangon na lang ako at binuksan ang pinto.
"Hija, maghanda ka na. Male-late ka na." Bungad sa akin ni Manang Karen.
Tinignan ko ang wall clock ko.
Oh my! 7 o'clock na!"S-sige po, Manang." Taranta kong sabi at iniwan si Manang.
Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at kumaripas ako papunta sa banyo.
Pucha! Male-late na ako!Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako at naglagay ng powder at liptint tsaka bumaba.
"Manang? Si Kuya?" Tanong ko rito nang makababa na ako.
"Nauna na ang Kuya mo sa school dahil may gagawin pa siya." Sagot nito.
"Aish! Kuya naman!" Inis kong sabi.
"Magpahatid ka na lang kay Lucio. Kumain ka muna." Sabi ni Manang habang nagtitimpla ng gatas ko.
"Gatas na lang po, Manang." Sabi ko. Agad naman niyang inabot sa akin.
Pagkatapos kong uminom, nagpaalam na ako kay Manang tsaka lumabas ng bahay.
"Oh, hija. Ihahatid na kita. Male-late ka na." Sabi nito at nauna nang sumakay sa kotse.
Pumasok ako sa passenger's seat. Tinahak namin ang daan papunta sa school.
"Salamat po, Manong." Sabi ko. Tumango ito bilang sagot tsaka ako lumabas ng sasakyan.
Tumakbo ako papunta ng gate.
"Good morning, Miss Pereira." Bati sa 'kin ng guard. Ngumiti lang ako tsaka tumakbo papunta sa room ko.
Hinihingal ako pagdating ko sa room. Tinignan ko ang relo ko, 7:15 just in time!
Nilapag ko ang bag ko at umupo ako sa upuan ko.
"Akala ko nga di ka na papasok." Sabi ni Diana.
"Anong nangyari?" Tanong ni Ruth at napakunot ang noo ko.
"Anong, anong nangyari? I just woke up late." Takang sagot ko.
"Like, nothing happened yesterday? Last night?" Sabat ni Sierra.
Umiling lang ako. Ayokong magkuwento tungkol kahapon baka kung ano pa ang sasabihin nila.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...