Chapter 14

503 11 0
                                    

Sierra's P.O.V.

Damn that girl! Anong pumasok sa kukote ng bruhang ito? She's insane!


Bago pa ako lumabas tinignan ko muna siya at nakita kong nakasmirk siya.


Nandito kami ngayon sa Locker Room.


"Bwesit! Wala pa naman akong dalang extra t-shirt!" Inis na sabi ni Mia.


Narinig kong may yabag ng paa na paparating dito, napalingon ako. Si Blake!


"Here, you can have this." Nakangiting sabi niya sabay abot sa t-shirt.


Nakita kong tumingala si Mia, nagdadalawang-isip. Pero sa huli tinanggap niya ito.


"Salamat." Sabi ni Mia.


"Magpapalit muna ako." Sabi ni Mia tsaka umalis.


Tumango kami sa kanya.


"I have to go." Sabi ni Blake tsaka naglakad palayo.


Sumunod kami kay Mia pero dito kami naghihintay sa labas ng comfort room, may mga bench dito.


"May sakit ba 'yun sa utak?" Biglang tanong ni Diana. "I think we need to send her to the mental hospital."


"Ewan ko sa babaeng 'yun. Bago pa siya dito, pero ba't ganun ang inaasta niya?" Ani Ruth.


Napatahimik ako.


"Oh, bakit ka tahimik dyan? May alam ka ba rito?" Tanong ni Ruth.


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, napailing ako.


"Wala, may iniisip lang." Sagot ko.


She seems very familiar.


"Shems!" Napatakip ako sa bibig ko. Napalingon naman silang dalawa.


"Bakit?" Takang tanong ni Diana.


"She's not a transferee." Panimula ko. "She's from the other section. Kaya pala familiar siya sa akin." Sabi ko.


"Sinong familiar?" Biglang sabi ni Mia. Napalingon kami sa kanya.


"A-ah, si-"


"Spill it out!" Inis na sabi ni Mia.


"Si Cassandra!" Gulat kong sagot dahil sa pagtaas ng boses niya.


Mabuti at walang mga tao dito ngayon dahil halos lahat ng estudyante ay tumatambay sa cafeteria.


"Sorry. A-ah, so you are saying familiar siya sa 'yo?" Tumango ako kay Mia.


"Why?" Naguguluhang tanong niya.



"Nakita ko na siya dati dito sa university na ito. Hindi niyo ba siya nakita noon? Feel ko galing siya sa kabilang section." Kwento ko.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon