Chapter 20

459 8 0
                                    

Max's P.O.V.

Noong umalis ang kapatid ko sa kwarto ko, dumiretso ako ng bathroom at naligo.
Pagkatapos, nagbihis agad ako at humiga sa kama ko.

Mas lalo akong nalungot dahil sa sinabi ng kapatid. Tinignan ko ang phone ko at naaalala siya. Hindi ako makatulog dahil nasasaktan ako lalo.


Kahit anong posisyon nakatagilid o nakatihaya, di ako makatulog. Nag-aalala ako sa kapatid ko. Mahina pa naman 'yun baka kung ano ang gagawin noon.


Nang maramdaman kong hindi ako dinalaw ng antok, nagpasya akong pumunta sa kwarto niya. Pero pagbukas ko, walang tao, wala si Mia.


Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Mia. Nakasakay na ng taxi. Grabe 'tong babaeng 'to, baka mapagkamalan itong akyat-bahay. Napabuntong-hininga ako.


Hinayaan ko na lang siya. Alam naman niya 'yung limitations niya at kailangan din niyang makapag-isa.


Bumalik na ako sa kwarto ko at hinintay hanggang sa dinalaw ako ng antok.


Mia's P.O.V.

Kinabukasan, paggising ko sumakit ang ulo ko. Aish! Hangover!


May kumatok sa pinto ko kaya sumigaw ako, pero mahina lang tamang makarinig ang kung sinong tao sa labas.


"Come in."


"Hindi ka ba papasok? Alas otso na. Ako na–" I cut him off.


"Hindi na Kuya. Masama ang pakiramdam ko."


Lumapit ito sa akin at dinampi ang palad niya sa noo ko.


"Hindi ako nilalagnat. Basta, I don't feel like going to school right now. Friday naman ngayon, so okay naman, no major subjects." Paliwanag ko.


"Oh, ikaw? Hindi ka rin papasok?"


"Alas nuwebe pa ang klase ko." Sabi nito.


"Sasabihin ko na lang kay Manang na dito ka na kakain at magpadala ng pagkain para sa 'yo." Ngumiti ako.


"Thank you, Kuya." Niyakap niya ako.


"Sige, ha. Maghahanda muna ako. Dadaan na lang ako dito bago pumasok."


Lumabas na si Kuya at sinara ang pinto.


Kinuha ko ang phone ko nang may matanggap akong unregistered number. Sino na naman ba ito? Napapadalas yata ang mga unknown numbers na tumatawag sa 'kin


Unknown Number Calling...


Sinagot ko ito at dahan-dahang tinapat sa tenga ko.


"H-hello? Who's this?" Bungad ko.


"Zed the drummer here." Sabi nito mula sa kabilang linya.


Nanlaki ang mata ko. "WHAT?!"


"Hindi mo na nga natandaan, sabi ko nga ba. Anyway, may nahulog ka mula sa wallet mo kagabi then when I picked it up, I tried to tell you, but you closed the door. Kaya ayon hindi mo narinig. At noon ko lang nalaman calling card pala iyon." Mahabang paliwanag niya.


"Ah, okay. hehe." Ikling sagot ko.


"Are you free today?" Napakunot naman ang noo ko.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.


"I would like you to join me to have coffee, is that okay?"


Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon