Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Tumunog 'yung alarm ko, umupo ako sa kama at agad akong napahawak sa ulo ko.
"Aray! Ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari?" Nasambit ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang phone ko at in-off ko ang alarm.
Pinagmasdan ko ang kwarto. Nakita ko na lang na wala 'yung tatlo.
Nasaan na kaya sila? Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I am wearing a maroon sleeveless, high waisted shorts at flat sandals.
Dumiretso na ako sa restaurant ng hotel at nagbabaka sakaling nandito silang tatlo.
Nakita ko sila sa restaurant at nandoon sila sa counter, pinuntahan ko sila. Tinanong ko sila kung bakit sila nandito.
"Nago-order kami, gurl." Ani Sierra.
"Ow, okay." Ngumiti ako sa kanila.
"Ang lutang mo ngayon, bebe girl."
Panunuya ni Diana sa akin.Pinagtawanan ako ng mga kaibigan ko. I rolled my eyes.
Nang dumating na 'yung food namin na in-order nila ay kumain na rin kami.
"Akala ko iniwan niyo na ako, nawala kasi kayo bigla." Sabi ko habang kumakain.
"Ay, grabe ka naman. Nandito lang kami sa baba, para kang ano dyan." Ani Diana.
"Whatever." Sagot ko at inirapan siya. "By the way, anong nangyari sa akin kagabi? Nalasing ba ako?" Tanong ko sa kanila.
"Ay, oo! Sobrang lasing mo kagabi, 'no." Ani Ruth.
"Ah, kaya pala ang sakit ng ulo ko kanina paggising ko."
"Oo nga, para kang krung-krung. Pumunta ka sa bar with a guy." Sabi naman ni Sierra na siyang ikinagulat ko.
"Ano? May kasama akong lalaki?!" How is that even possible?
"Oo meron, buti na lang nakita namin kayo kung hindi patay kang bata ka." Ani Diana habang kumakain.
"Oh my! What have I done?" Sambit ko.
"'Wag kang mag-aalala, walang masamang nangyari sa inyo." Sabi ni Ruth.
"So true, nothing to worry about." Pagsang-ayon ni Sierra.
"Hay salamat." Sagot ko sa kanila.
"Kaya sa susunod 'wag padalos-dalos bess, ha?" Ani Diana
"Oo na, oo na. Salamat sa inyo." Sabi kong nakangiti.
"No problem, gurl." Sagot naman ni Sierra.
"Sige na, kumain na tayo para makapag-aquactic activity pa tayo. Zipline or what so ever." Sabi ko sa kanila.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa hotel room para makapag-ready sa activities namin ngayong araw.
Habang nagre-ready pa 'yung tatlo, lumabas muna ako sa balcony ng room namin at nagpapahangin. While I'm sitting on the chair, I saw someone familiar.
Tumayo ako at sumandal sa railings. Tinignan ko siya, habang nakatingin ako sa kanya, tumingin rin siya sa akin kaya umiwas agad ako.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...