Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa labas ng Enchanted Kingdom. Nag-order kami ng beef steak, sinigang baboy, fried chicken at drinks.
"Okay ka na ba, anak?" Tanong ni Mommy.
"Yes, Mom. Thank you." I gave her a small smile.
Matapos namin kumain ay bumalik sila sa Enchanted Kingdom at nagpaiwan ako sa isang shop na may laman na mga souvenirs. Bumili ako ng tatlong keychains para sa mga best friends ko. Nagkuha rin ako ng dalawang mug na may nakalagay na quotes tsaka ako kumuha ng dalawang t-shirts para sa 'kin at kay Kuya Max.
Dumiretso ako sa counter at nagbayad, "899.50 pesos po lahat, Ma'am." Kumuha ako ng one thousand at binigay ko iyon sa cashier."Here is your change, Ma'am one hundred and 5 cents. Thank you, Ma'am. Come again." Ngumiti siya tsaka niya inabot sa 'kin ang paper bag.
"Thank you." Nakangiting sagot ko.
Lumabas ako ng shop. Tinignan ko ang dala kong paper bag. Humakbang ako para tumawid pero noong tumawid na ako, may isang sasakyan na paparating. Parang na istatwa ako at nag-flashback ang nangyari sa akin noon.
Unti-unting lumalapit ang paparating na sasakyan habang bumubusina. Wala akong ginawa kundi tinitigan ang itim na sasakyan.
Nang biglang may humila sa 'kin at nahulog ang paper bag na hinahawakan ko. Napayakap ako tsaka ako tumingala sa kanya.
"Blake." Nasabi ko, bigla na lang tumulo ang luha ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya.
"Tahan na." Sabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Salamat." Pilit kong ngiti.
"Alli!" Dinig kong sigaw ni Kuya.
Napagtanto kong nabitiwan ko ang paper bag at nabasag ang mug na binili ko.
"Shit!" Napamura ako dahil sa nakita ko.
Dali-dali ko itong pinulot at tinulungan ako ni Blake.
"Ako na, Blake. I can handle this." Hinawi niya ang kamay ko. "Let me do this, please."
Wala akong nagawa kundi pabayaan siya kesa masugatan pa ako kung mag-aagawan pa kami.
"Alli, what took you so long?" Bungad ni Kuya Max sa akin.
"Kuya." Yumakap ako sa kanya.
"Anong nangyari?" Kumalas ako at nagsalita kay Kuya.
"Muntik na naman akong masagasaan." Tumulo na naman ang luha ko. Nakita kong nakatingin si Kuya sa baba. "Tinulungan ako ni Blake, Kuya. Buti nandito siya." Sabi ko.
"Sa susunod sasamahan na kita kapag wala kang kasama." Sagot ni Kuya tsaka niya pinunasan ang luha ko.
Kinuha ni Kuya ang paper bag. "Salamat pare." Sabi ni Kuya tsaka kami naglakad paalis pero bago kami makaalis lumingon ako kay Blake.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...